Ukay-ukay Shopping: Heart Evangelista, Bumili at Nagsuot ng Ukay-Ukay na Damit sa Halagang 20 Pesos

Pagdating nga sa usapang fashion ay nasa isip na agad ng karamihan sa atin na talagang pabonggahan sa ganda, mamahalin sa halaga at dapat kaakit-akit ang kasuotan na makikita sa nagsusuot. Ngunit, may nagpapatunay rin naman na pagdating sa fashion, ay hindi kailangang magiging mamahalin ang suot upang maging bongga at sosyal. Dahil ang isang tunay na fashionista, ay napapaganda ang isang simple at murang kasuotan sa paraan ng kanyang pagdadala, upang maging mukhang bongga at sosyal.




Isa nga sa hinahangaang celebrity sa showbiz pagdating sa fashion ay ang aktres na si Heart Evangelista. Isang tunay na fashionista si Heart, patunay nito ang kanyang makalaglag pangang laman ng walk-in closet. At makikita naman ito sa mga isinusuot niyang kasuotan na talagang napakaganda.

At kamakailan nga muling pinatunayan ni Heart na wala sa halaga ng kasuotan ang pagiging maganda nito kundi nasa tamang pagbabagay at pagdadala lang.

Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili parin si Heart sa probinsiya ng Sorsogon na talagang naeenjoy niya ang bawat sandaling pamamalagi dito. At isa nga sa kanyang libangan ay ang pag-uukay-ukay sa mga lokal na tindahan ng mga damit sa Sorsogon.

Sa latest vlog nga ni Heart, ibinahagi niya namimiss na niya ang Fashion Week, kung kaya’t naghanap siya ng mga magagandang damit ngunit may murang halaga sa ukay-ukay. Pag-amin naman ni Heart, bata pa lang siya ay hilig na niya talaga ang mag-ukay-ukay.

“If you’ve seen my Instagram stories lately, then you’d know how much I’m missing Fashion Week. So, I decided to go on a little fashion quest and see treasures I could find here in Sorsogon.”
“I love shopping vintage stuff. When I was young, I used to go to ukay-ukay and I would get a lot of really nice vintage pieces,” pagdedetalye ni Heart.




“On this episode, you’ll see me going around different thrift shops and ukay-ukay stalls and trying on my favorite finds, Fashion Week style (after we disinfected them, of course)!”

Inisa-isa nga ni Heart ang mga tindahan ng ukay-ukay sa Sorsogon upang maghanap ng mga damit na napakaganda at naaayon sa kanyang panlasa. Magmula nga sa bag, accesories at damit ay mapalad na nakabili si Heart, at ang damit nga ay nagkakahalaga lang ng 20 pesos.

Sa kanyang vlog, ay iminodel pa ni Heart sa harap ng camera ang kanyang suot na bestida na nagkakahalaga lamang ng bente pesos. At makikita na kahit napakasimple ng damit, ay bagay na bagay ito kay Heart na kung saan ay nagawa niyang dalhin ito ng may kumpyansa sa sarili. Nananatiling napakaganda ni Heart sa kanyang suot, at hindi aakalain na sa murang halaga ng dress ay nagawa niya itong maging maganda at sosyal ang dating.

Samantala, agad na humanga ang mga netizens kay Heart sa talento nito ng pagdadala ng kasuotan at sa pagpili nito ng mga tama at napakagandang kasuotan.

Heart’s style is so timeless and chic. Even her outfits from the early 2000s are still wearable to this day. Lately, I’ve been revamping my wardrobe according to her style and I love that she doesn’t shy away from ukay-ukay because I’m an ukay-ukay girl.”




“Fashion isn’t all about brands or what’s trendy. It’s wearing what makes you feel beautiful, clothes and accessories that epitomize you as a person. Heart is the best in doing that.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments