Arci Muñoz, Muling Binalikan ang Masayang Alaala ng kanyang Kabataan Matapos Iguhit ang mga Karakter ng Paborito niyang Anime na ‘Ghost Fighter’

Kung ikaw ay batang 90’s, tiyak na nagmamadali ka ring umuwi sa inyong tahanan mula sa paaralan upang maabutan ang paboritong anime na pinapanood sa telebisyon tuwing hapon. Napakasaya naman talaga ng kabataan noon dahil binigyan kulay ito ng ating mga paboritong anime sa telebisyon. Ngunit, sa paglipas ng panahon ay tila ibinaon na rin ito sa limot dahil hindi na natin nasisilayan pa ang mga ito sa telebisyon, kagaya na lamang ng sikat na sikat na anime noon na Ghost Fighter.




Kaya naman, marami ang natuwa at nagdiwang na batang 90’s nang mapabalita kamakailan na mapapanood muli ang Ghost Fighter” o “Yu Yu Hakusho: Ghost Files” sa Netflix. Tila nagbalik nga ang masayang alaala ng kabataan dahil muling mapapanood ang anime na nagbigay kulay sa ating kabataan noon.

Kabilang nga sa mga batang 90’s na nagdiwang matapos marinig ang magandang balita ay ang aktres na si Arci Muñoz. Sa edad na 31 na ipinanganak noong 1989, walang duda na batang 90’s nga ang aktres. At bilang isang tagahanga ng anime, at isa nga sa paborito niya ang Ghost Fighter ay iginuhit ni Arci ang mga karakter ng nasabing anime.

Sa kaniyang Instagram account, masayang ibinahagi ni Arci ang iginuhit niyang larawan ng mga karakter sa Ghost Fighter tulad nina Eugene (Yusuke), Alfred (Kuwabara), Dennis (Kurama), at Vincent (Hueie).

Mababakas naman sa caption ng aktres na talagang muling nagbalik ang masaya niyang kabataan. Laking pasasalamat rin niya dahil matapos ang mahabang panahon ay muli niyang mapapanood ang paboritong anime.




“Sinipag lang muling gumuhit… ang sarap lang balik balikan ng alaala ng kabataan ko. Eto ang namiss ng mga kabataan ngayon!”

Makikita naman sa larawang iginuhit ng aktres ang husay at angking talento niya sa pagguhit. Kung saan, talaga namang kuhang-kuha ang bawat detalye ng mukha ng mga karakter sa naturang anime. Nakakabilib ang galing ni Arci, tunay na hindi lamang siya sa pag-arte mahusay kundi pati na rin sa pagguhit.

Hindi maikakaila na sa husay ni Arci ay marami ring netizens ang humanga sa kanyang kakayahan kung saan ay nagbigay ng mga papuri at positibong komento. Kasabay rin nito, ang pagbabalik tanaw nila sa kanilang masayang kabataan noon.





Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments