Valerie Concepcion, Ibinahagi ang Karanasan Bilang Single Mom sa Edad na 16 at Kung Paano siyang Nakabangon Muli

Tunay nga na sadyang mapaglaro ang tadhana pagdating sa ating buhay pag-ibig dahil mararanasan muna natin ang pait at kalungkutan bago tuluyang makamtan ang hinahangad na kaligayahan.

Ganito nga ang kwento ng buhay pag-ibig ng aktres at host na si Valerie Concepcion, dahil matapos umibig ay nasaktan at iniwan ngunit sa panibagong pagkakataon ay umibig muli at kanya na ngang nakamit ang isang tunay at wagas na pag-ibig na magbibigay sa kanya ng walang hanggang kaligayahan.




Ito nga ang ibinahagi ng aktres sa programang “Magandang Buhay”, kung saan hindi naging madali ang lahat para kay Valerie dahil sa murang edad na 16 ay naging ganap na siyang ina. Ang naranasang kalungkutan at hirap sa kanyang buhay pag-ibig ay binuksan nga ng aktres sa programa.

Photo credits: Valerie Concepcion | Instagram   

Dahil nga napakabata pa para mag-asawa, hindi pabor ang kanyang mga magulang na magsama at magpakasal sila ng kanyang ex-boyfriend. At ayon kay Valerie, ay umabot pa umano sa puntong kinulong siya sa kanilang bahay sa takot ng mga ito na magtanan sila.

Talagang naghigpit ang mga magulang ni Valerie at ex-boyfriend nito sa kanila dahil iniisip lamang ng mga ito ang kanilang kapakanan. Ngunit, ayon sa aktres, ay payag naman daw ang kanilang mga magulang na ikasal sila pagsapit ng hustong gulang na 18. Nang sumapit naman ang inaantay na panahon upang magpakasal sila, dito naman unti-unting gumuho ang mundo ni Valerie dahil ang inaasahan niyang kasal sa ama ng kanyang anak ay hindi na natuloy. Naglaho na lang bigla ang kanyang ex-boyfriend at hindi na mahagilap pa.

Photo credits: Valerie Concepcion | Instagram

Ngunit, sa halip na panghinaan siya ng loob ay nagpakatatag si Valerie na harapin ang pagsubok at ipinagpatuloy ang buhay alang-alang sa kanyang anak. Napakahirap nga naman talagang maging isang single mom, ngunit sa tulong ng kanyang pamilya na hindi siya iniwan at pinabayaan sa oras ng kagipitan ay nagawang makabangon ng aktres sa pighating naranasan.




Photo credits: Valerie Concepcion | Instagram

Dahil sa kanyang matapang na pagharap sa buhay, nakilala niya ang taong magbibigay sa kanya ng walang hanggang kaligayahan. Mapalad nga ang aktres na muling umibig sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga, kung saan ay tinanggap siya ng buong-buo kasama ang kanyang anak at higit sa lahat ay pinatunayan nito ang pagmamahal kay Valerie matapos nitong pakasalan ang aktres.

Photo credits: Valerie Concepcion | Instagram

Noong 2018 naman, ay naabot na rin ni Valerie ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa Arellano University sa kursong Psychology sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program. Isa ngang malaking achievement ito sa buhay ng aktres sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.

Photo credits: Valerie Concepcion | Instagram

At ngayon nga, ay masayang-masaya na si Valerie sa buhay kasama ang kanyang asawa at anak. Ang kanyang anak namang si Heather Fiona ay teenager na rin ngayon at isang mabuti at mapagmahal na anak. Tila kompleto na nga ang lahat ng hinahangad ng aktres sa buhay niya. Pinatunayan nga ni Valerie na hindi hadlang ang pagiging isang single mom upang makabangong muli sa buhay at tuparin ang mga pangarap na inaasam, at higit sa lahat ay matagpuan ang hinahangad na kaligayahan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments