Broadcast Journalist na si Bernadette Sembrano, Naging Emosyunal Matapos Matanggal sa Serbisyo ng ABS-CBN Bilang Field Reporter

Nagsimula na nga ang retrenchment ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado. Ito nga ay matapos magsara ang istasyon dahil sa hindi pag-renew ng Kongreso ng prangkisa na nag-expire noong May 4, 2020.
Marami sa mga empleyado ng network ang naapektuhan sa pagbabawas ng tauhan. Isa na nga rito ang broadcast journalist na si Bernadette Sembrano. Kilala si Bernadette na mahusay na reporter sa paghahatid ng balita sa publiko. Maliban nga, sa pagiging co-anchor ng TV Patrol ay isa rin siyang mahusay na field reporter. Ngunit, dahil sa retrenchment, ay inalis na sa serbisyo ang broadcast journalist bilang field reporter ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya.



Ang Lingkod Kapamilya ay public servant segment ng TV Patrol kung saan ay naglalayon na magpaabot ng tulong sa mga Kapamilyang nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng foundation ng ABS-CBN na Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.

Araw ng Martes, ika-25 ng Agosto, nang inanunsyo ng broadcast journalist ang pangyayari sa kanyang facebook page na idinaan niya sa pamamagitan ng isang video post.

“By noon time, I got a call from my superior, sa aking trabaho as a reporter for ABS-CBN. I was told that I was retrenched,”

Photo credits: google.com 

pagtatapat ni Bernadette.

Hindi naman napigilan ni Bernadette ang maging emosyunal matapos matanggap ang masamang balitang ito.

“Masakit din. But this isn’t the first time that this happened to me, that I was enjoying the morning tapos pagdating ng hapon, medyo not so good news,”

dagdag pa niya.

Ayon nga kay Bernadette, bagama’t inaasahan na niyang mangyayari ito dahil nga sa biglaang pagsasara ng network, ay tila mahirap pa rin itong tanggapin. Kung kaya’t, hindi naiwasan ng broadcaster na ipahayag ang kanyang realization dahil sa nangyari.

“Well, ang una kong naisip was dapat talaga sa buhay sakto lang para alam mo kung kanino pa rin nanggaling ang totoong kaligayahan. Huwag sosobra kasi pag sumobra, baka makalimot ka na.”

Photo credits: google.com

Bagama’t, nawalan ng isang trabaho, ay nananatili pa ring positibo sa buhay si Bernadette, sa katunayang nga nito ay nagbahagi pa siya ng qoute mula sa kanyang kaibigan na ginagamit niyang inspirasyon sa buhay niya.

“Every day, good things and bad things happen throughout our day, and it’s up to us what we want to hold on to and what we want to stay with us if we want to choose to remember the bad stuff or the good stuff.”

Photo credits: google.com



Dagdag pa ni Bernadette, ay forever grateful siya sa kanyang masasayang nakaranasan bilang isang field reporter na naging stepping stone niya sa kanyang karera.

“Today, I remain grateful. I am a changed person because of my fieldwork and I know that every moment I had as a field reporter, wala akong inaksayang panahon. So, I hope you choose the positive that happened today to remember each day and remember to be grateful.”

Photo credits: google.com

Nakakalungkot mang isipin ang pagkawala ni Bernadette ng isang trabaho, mapalad pa rin naman siya dahil mananatili parin siyang co-anchor ng TV Patrol sa ABS-CBN kasama si Ted Failon at Noli de Castro.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments