Komedyanteng si Pokwang, Hindi Nakapagpigil na Resbakan ang Netizen na Nan Lait sa Kanyang Anak na si Baby Malia

Pagdating nga sa ating pamilya ay kusang lumalabas ang pagmamahal natin sa kanila. At kapag nga may mga taong umaalipusta at nanghahamak sa kanila ay ipinagtatanggol at prinoprotektahan natin sila.
Ngunit, sadyang may mga matatalas ang dila at walang prenong mga bibig ang sadyang hilig na ang mang-alipusta, na maging ang walang muwang na bata ay dinadamay.



Ganito nga ang nangyari sa anak ng komedyanteng si Pokwang na kung saan ay nakaranas ng pang-aalipusta mula sa isang netizen.

Photo credits: itspokwang27 | Instagram 

Matatandaan na noong buwan ng Mayo, ay masaya nating ipinagdiwang ang Mother’s day upang bigyang pugay ang nagsisilbing ilaw ng ating tahanan. Kaya naman, bilang isang ulirang ina ay nagpost si Pokwang sa kanyang Instagram ng nakakaantig na mensahe para sa mga kapwa nanay na walang sawang nagmamahal sa kanilang pamilya. Kalakip naman ng post ng komedyante, ay larawan nila ng kanyang bunsong anak na si Malia.
Ngunit, tila ang espesyal na araw na ito, ay hindi pinalamapas ng isang netizen na masira. Dahil nga, ang walang prenong bibig ng netizen ay nilait ang anak ni Pokwang at sinabing mukha itong monggoloid.

At bilang isang ina, ay handa ngang ipagtanggol ni Pokwang ang anak sa sinumang umalipusta rito. Hindi nga nakapagpigil pa si Pokwang, at neresbakan ang naturang netizen na nanlait sa kanyang walang kamuwang-muwang na anak.



“Ganyan umatake ang mga kampon ni Satanas kapag wala na maisip na pambato sa ’yo titirahin ka kung saan ka mahina! Kung mukhang m0ngg0l0id ang anak kong walang muwang, ikaw matanda ka na pero mas may utak sayo ang monggoloid na sinasabi mo! Akala ko ba matatalino mga trolls? I’m sure may anak ka rin na inosente at binubuhay mo sa pagiging troll mo. Sana mapakain mo s’ya nang maayos sa pang-aalipusta mo sa anak ko na walang malay, at sana mapalaki mo s’ya na maging isang mabuting mamamayan.”

Photo credits: itspokwang27 | Instagram

Ayon pa nga sa komedyante, sana raw ay mapakain at mabuhay ng netizen ang anak nito mula sa pang-aalipusta sa anak niya at pagiging troll sa social media. Dagdag pa ni Pokwang, sana ay mapalaking mabuting tao at mamamayan ang anak ng nasabing netizen.

Photo credits: itspokwang27 | Instagram

Sa kabila naman ng nararamdamang sama ng loob ni Pokwang sa netizen, hindi naman hinayaan ng komedyante na tuluyang masira ang araw niya. At sa huli nga, ay nagpaabot pa rin siya ng pagbati sa mga uliran at mapagmahal na ilaw ng tahanan.

“Happy Mother’s day sa nanay mo at nanay ko at sa nanay sa buong mundo”.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments