Kapamilya Star Dimples Romana, Labis ang Pasasalamat sa Masaganang Ani mula sa Kanilang Farm sa Calaca, Batangas

Ika nga ng kasabihan “kapag may itinanim, may aaninin”, tunay na tunay dahil kapag ikaw ay masipag magtanim tiyak na masaganang ani ang naghihintay sayo. Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang makita ang bunga ng pawis at dugo mula sa pagtatanim ng mga pananim na maaari nating mapakinabangan. At kapag nasilayan na nga ang masaganang ani ay tila napapawi naman ang lahat ng pagod at sakripisyo.



Labis nga ang kaligayahang nadarama ngayon ng Kapamilya star na si Dimples Romana dahil ang bunga ng kanyang pawis at dugo sa kanyang farm ay literal na naani na niya. Masaya ngang ibinahagi ng aktres ang masagana nilang ani ng gulay at prutas mula sa kanilang farm na matatagpuan sa Calaca, Batangas. Ilan nga sa mga produktong naani ay avocado, mais at niyog.

Photo credits: Dimples Romana | Instagram 

Photo credits: Dimples Romana | Instagram     

Ang masaganang ani ng mga produkto sa kanilang farm ay masayang ibinahagi ng aktres sa Instagram. Ayon naman sa aktres, ay hindi siya nakapunta ng personal sa farm upang mag-harvest at kunin ang produkto, kaya naman, nagpadala na lamang siya ng taong maaaring kumuha at ipadala sa kanilang tahanan.

Photo credits: Dimples Romana | Instagram

Samantala, hindi naman napigilan ng aktres ang maging emosyunal matapos masilayan ang ani sa kanilang farm na isinalaysay pa ng aktres bilang produkto ng puyat, dugo at pawis. Hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Dimples sa Panginoon na siyang nagbigay ng biyaya sa kanya na magkaroon ng masaganang ani.

Photo credits: Dimples Romana | Instagram

“Ani na biyaya mula sa madaming araw at gabi ng puyat, luha, dugo’t pawis literal. Whenever I felt tired from work, all I had to do was envision this very moment. God is good. Celebrating simple joys with my fam! Now who’s up for some AVO-cuddle?”



Photo credits: Dimples Romana | Instagram

Makikita naman sa huling bahagi ng post ni Dimples, ang paghikayat niya sa kanyang mga tagahanga na huwag tumigil at sumuko sa pag-abot sa mga pangarap.

Photo credits: Dimples Romana | Instagram

“#DimpsTips some dreams and goals take longer than our other goals to come to life, wag lang kayong mapapagod, wag susuko. Walang imposible basta kasama ang pamilya.”

Photo credits: Dimples Romana | Instagram

Maliban naman sa mango farm ni Dimples na matatagpuan sa Batangas, ay may isa pa siyang farm na matatagpuan naman sa Alfonso, Cavite. Walang humpay rin ang pagbuhos ng biyaya sa buhay ng aktres, dahil kamakailan lang din ng ibahagi niya ang bagong condo unit na nabili niya sa Makati.



Photo credits: Dimples Romana | Instagram

Talaga namang sulit na sulit ang hirap at sakripisyo ng aktres sa kanyang pagsusumikap na maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay. At ngayon nga, ay masaya niyang tinatamasa ang tamis ng tagumpay.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments