Chef Boy Logro, Ipinasilip ang kanyang Napakalawak na Agri-Tourism Farm na Matatagpuan sa Davao De Oro

“Yum Yum Yum”, ito nga ang sikat na kataga ng mahusay na chef ng Idol sa Kusina na si Chef Boy Logro. Talaga nga namang mapapasambit ka na lang ng “Yum Yum Yum” sa sarap kapag natikman ang masarap niyang luto.

Una nating nasilayan ang husay ni Chef Boy Logro sa pagluluto sa cooking show na Chef Boy Logro: Kusina Master. Matapos naman ng naturang programa ay muling naghost si Chef Boy ng isa pang cooking show sa GMA News TV, ang Idol sa Kusina.




Samantala, maliban sa paghohost ng mga programa at hilig sa pagluluto, ang isa rin sa pinagkakaabalan ni Chef Boy Logro ay ang pagtatanim sa malawak niyang agri-tourism farm na matatagpuan sa Davao De Oro.

Kamakailan nga ay ipinasilip ni Chef Boy Logro ang kanyang farm at ibinahagi rin niya ang mga pananim at ibang pang bagay na makikita rito. Abala nga ngayon si Chef Boy Logro sa pamamalakad sa kanyang agri-tourism farm. At sa naging kwento ng Chef sa GMA Network, ay masayang-masaya siya dahil kahit nasa gitna ng pandemya ay marami siyang nagagawa sa kanyang farm.

At ayon nga kay Chef Boy ay napakaganda ng buhay niya sa Davao de Oro sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan.

“Ang buhay ko dito sa Davao de Oro ay napakaganda po. Nag-enjoy ako dahil po ang dami ko pong nagawa. ‘Yung aking school, then ‘yung aking farm.”

Napakalaking tulong rin ng farm sa kanilang pamumuhay sa araw-araw. Dahil nga sa dami ng iba’t ibang klaseng pananim na itinanim ni Chef Boy sa kanyang farm, dito na rin siya kumukuha ng pangangailangan ng kanyang pamilya sa araw-araw upang may makain.

“Nage-enjoy po ako dito sa Davao de Oro dahil nakakagala naman ako sa farm.”

Ayon pa sa Idol sa Kusina Chef, ay ang kanyang mga pananim ay sari-sari na tulad ng nasa bahay kubo.

“Ang aking tanim dito ay sari sari, kumbaga bahay kubo. Mayroon akong kalabasa, may mais, may saging, at mayroon akong ube.”




Maliban naman sa mga pananim na ito, ay ipinagmamalaki rin ni Chef Boy ang kanyang tanim na Adlai o kahalintulad umano ng palay at ito ay kilala ring healthier alternative sa kanin.

“Yung adlai po ay parang palay. Per kilo niya po is PhP 350 ‘pag palay.”

Maliban naman sa mga pananim ay may iba pang bagay na makikita sa farm ni Chef Boy, katulad na lamang ng fish pond at swimming pool. Mas lalo namang lumitaw ang ganda ng mga ito dahil sa mga pananim na nakapalibot.

Talaga nga namang napakasipag at madiskarte si Chef Boy Logro dahil sa kanyang ipinatayong farm ay hindi siya naiinip at marami pang mga pananim ang kanyang naaani rito na kung saan ay malaki ang naitutulong sa kanilang pamilya.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments