“Hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin”: Gwapings Member na si Eric Fructuoso, Namamasada ng Tricycle Matapos Mawalan ng Trabaho

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang ating pakikipagsapalaran sa pandemya na dulot ng COVID-19. At dahil nga sa ipinatupad na quarantine protocols ay marami ang naapektuhang kabuhayan sa industriya ng ating bansa. Isa na nga rito ang entertainment industry na kung saan ay ipinagbabawal pa ang ilang gawain na may kaugnayan sa social distancing.




Kaya naman, marami sa mga artista ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Ngunit, sa ganitong uri ng krisis ay umiiral rin ang pagiging madiskarte ng ilan upang makahanap ng mapagkakakitaan.

Katulad na lamang ng aktor at dating Gwapings member na si Eric Fructuoso, na naging madiskarte matapos mawalan ng trabaho. Pinatunayan nga ni Eric na sa ganitong uri ng panahon ay hindi dapat maging maarte sa papasoking trabaho upang kumita ng pera. At ngayon nga, ay pinili ni Eric na mamasada ng tricycle habang natigil siya sa pagtatrabaho upang may mapagkakitaan.

Hindi naman ikinahiya ng aktor ang pinasok niyang trabaho sa halip ay proud niya pa itong ibinahagi sa kanyang Instagram account, na kung saan ay mas pinairal ang pagiging madiskarte, hindi ang pag-iinarte.

“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta legal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang nang tirahin!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso on

Samantala, napag-alaman na kasalukuyang naninirahan si Eric sa Naic, Cavite. Ito nga ay base sa mga sagot ng aktor sa komento ng kanyang mga followers sa naturang post. Hindi naman maikakaila, na maraming netizens ang nakarelate sa post ng aktor. At karamihan nga sa mga ito ay sinuportahan at sinang-ayunan ang sinabi ng aktor.




Talaga namang kahanga-hanga ang madiskarte ni Erik sa gitna ng krisis upang masuportahan ang kanyang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Maliban naman sa ibang pinagkakaabalahan ni Eric, ay naging libangan na rin niya ang pagti-Tiktok. Nasa larangan na rin ng vlogging ang aktor at ngayon nga, ay abala rin siya sa paggawa ng bagong content para sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments