Silipin ang Simple pero Masayang Pamumuhay ng Dating Aktres na si Empress Shuck Matapos Lisanin ang Mundo ng Showbiz

Si Empress Karen Carreon Schuck o mas kilala bilang Empress Schuck ay isa sa hinahangaang aktres na may magandang mukha sa industriya ng showbiz. Hindi naman talaga maikakaila ang kagandahan ni Empress, na kung saan nakatulong sa kanya upang mas lalong makilala sa showbiz. Maliban nga sa angking kagandahan ng aktres ay kahanga-hanga rin ang kanyang husay sa pag-arte.




Matatandaan na unang nasilayan si Empress sa telebisyon noong taong 1999 sa edad na pitong taong gulang bilang commercial model ng Vaseline Shampoo. At noong taong 2000 sa edad na 8 taong gulang ay nadiskubre naman ng ABS-CBN ang kanyang angking kagandahan at talento kaya naman kinuha na siyang maging talent ng nasabing network. At doon na nga, nagsimula ang karera ni Empress bilang childstar na kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang angking talento sa pag-arte. Sa edad nga na 9 na taong gulang ay nagkaroon na siya ng una niyang pelikula na 9 Mornings.

Hindi naman maitatanggi ang potensyal at talento niya bilang isang mahusay na artista sa murang edad. Kaya naman, lalo pang dumami ang kanyang mga proyekto at pelikulang ginampanan na talagang tumatak sa kanyang mga tagahanga at manonood. Hanggang sa nagdalaga si Empress ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte sa harap ng kamera. At dahil nga sa natatangi niyang talento ay ilang ulit na rin siyang nagkamit ng parangal.




Ngunit, magmula ng taong 2017 ay naging freelancer actress na lamang siya kung saan madalas na siyang napapanood sa GMA Network.

Samantala, sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Empress sa showbiz, ay nadesisyon siyang iwan ang larangan pansamantala. Ito nga ay matapos niyang supresahin ang publiko na nagkaroon na sila ng anak ng kanyang nobyo na si Vino Guingona na apo ng former Philippine Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni senator Teofisto Guingona III.

Marami nga ang nagulat sa rebelasyong ito ng aktres, ngunit sa huli ay naging masaya ang kanyang mga tagahanga sa buhay na mayroon siya ngayon. Dahil sa anak nila ni Vino na pinangalanan nilang Athalia, ay mas lalong naging makulay ang buhay ng aktres. At ngayon nga, ay masayang namumuhay si Empress kasama ang kanyang nobyo at napakacute na anak na si Athalia na isinilang noong September 2015.

Maliban naman sa pagiging isang hands-on mom kay Athalia, ay abala rin si Empress sa kanyang mga negosyo. Isa na nga rito ang kanyang milk tea business na talaga namang patok na patok aa masa dahil sa kakaibang sarap na hatid nito. Ngayon nga, ay namamayagpag ang kanyang negosyo na kung saan ay nakapagtayo na ng maraming branches sa bawat sulok ng bansa.




Iniwan man ni Empress ang showbiz, natagpuan naman niya ang kaligayahang hinahanap sa kanyang partner at anak na nagbibigay kulay sa buhay niya ngayon. Maging ang tagumpay ay nakamit rin niya, hindi man sa showbiz kundi sa pagnenegosyo na kanya namang naeenjoy at pinapahalagahan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments