Isa nga sa naapektuhan ng pandemya sa ating bansa ay ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan. Sa halip nga na magkaroon ng face to face classes, ay nagpatupad ang DepEd ng Online clasess sa mga paaralan. Ito ay isang paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral sa loob ng kanilang tahanan gamit lamang ang internet nang may gabay ng mga guro. Ito nga ay upang maiwasan ang pakikipagsalamuha ng bawat kamag-aral sa isa’t isa para maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19.
Noong August 24 ay nagsimula nang magbukas ang online class sa mga pampribadong paaralan, samantalang sa mga pampublikong paaralan ay mag-aantay pa ng ilang buwan dahil naurong ito sa petsa ng October 5.
Dahil nga, online class at sa bahay mamamalagi ang mga estudyante, kailangan rin ng gabay ng magulang upang makasunod sa leksyon ang kanilang anak. Isa nga ang aktres na si Dawn Zulueta sa mga magulang na naging kaagapay ng kanilang anak sa panibagong sistema ng edukasyon na bunsod ng pandemya.
At kagaya ng ilang magulang na ngayon lang din nakaranas ng online class, ay nangangapa pa si Dawn kung ano ang mga dapat gawin upang makasunod sa leksyon ang kanyang mga anak. Hindi nga madali ang bagong sistema ng pag-aaral kung kaya’t katuwang siya ng kanyang mga anak, at hindi rin siya umaalis sa tabi ng mga bata upang matutukan niya ang mga ito.
Ngunit, tila siya rin ay naka-enroll sa pinapasokang paaralan ng kanyang mga anak dahil nga katuwang ng mga bata at nahihirapang mag-adapt sa bagong sistema ng pagtuturo ang aktres. Ito nga ang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram noong August 24, sa unang araw ng pagsisimula ng online class.
Ibinahagi nga ng aktres sa Instagram ang kanyang karanasan sa unang araw ng klase ng kanyang mga anak kung saan makikitang nakaupo siya sa study area ng mga bata habang abala sa harap ng laptop at ipad.
Ayon nga sa post ng aktres:
“Today, our children began their virtual education. Making world history in 2020’s 1st day of school online distance learning, on a global scale. Ignore the overeager troubleshooting mother. Bakit parang ako naka-enroll?”
Marami namang netizens at mga mommies ang nakarelate sa aktres na nangangapa ring gaya niya sa online schooling ng kanilang mga anak. Nag-iwan naman ang mga ito ng komento sa naturang post ng aktres.
Source: Ptama
0 Comments