Sa panahon ng krisis ay tunay nga na nasusubok ang pagtutulungan at pagkakaisa nating mga Pilipino. At ngayong pandemya nga, ay napatunayan natin ang kahalagahan ng pagkakapit-bisig at pagtutulungan upang malabanan ang kinakaharap na matinding suliranin sa buong bansa. Maraming may mabubuting kalooban nga ang walang-sawang nagpapaabot ng kanilang tulong sa mga nangangailangan.
At tulad nga ng walang katapusang pagsubok na dulot ng pandemya, ay wala ring katapusan ang pagpaabot ng pagtulong ng mga mabubuting tao sa mga nangangailangan. Isa na nga rito ang atleta at host na si Gretchen Ho na kung saan ay naglunsad ng isang proyekto na tinawag na “Donate a Bike, Save a Job” na naglalayon na mabigyan ng bisikleta ang mga nangangailangan upang magamit nila sa kanilang hanapbuhay o kaya naman ay bilang transportasyon habang nakikipagsapalaran sa pandemya.
Kamakailan nga, ay masayang inanunsyo ni Gretchen ang kauna-hangang nakatanggap ng bisikleta mula sa kanyang inilunsad na proyekto. Sa kanyang Facebook account noong August 20, araw ng Huwebes ay masaya niyang ibinahagi at pinangalanan ang unang mapalad na nakatanggap ng bisikleta.
Siya nga isang 18 taong gulang na residente ng Muntinlupa City na nagngangalang Kean Arcilla Ramos. Na kung saan ay nag-viral kamakailan matapos makunan ng larawan na nagdi-deliver ng coffe jelly at chocolate jelly gamit lamang ang roller blades. At dahil nga dito, ay karapat-dapat siyang makatanggap ng bisikleta mula kay Gretchen upang magamit sa paghahanapbuhay.
“To da rescue!! OUR FIRST BIKE RECIPIENT: 18 y/o Kean Ramos receives a bike from the #DonateABikeSaveAJob project,”
caption ni Gretchen sa kanyang post.
Ayon pa sa post ni Gretchen, ay nagkasakit umano ang ama ni Kean kaya naman, siya ang naghahanapbuhay ngayon sa kanilang pamilya. Ngunit, dahil sa kawalan ng lisensya ay mas pinili nitong gumamit ng roller blades upang mai-deliver ang mga order sa kanyang coffee jelly business.
Samantala, sa naging panayam ng INQUIRER.net kay Kean, sinabi nito na tumutulong siya sa medical bills ng kanyang amang may sakit sa pamamagitan ng pagbebenta ng coffee jelly.
“Ako po ay nag bebenta ng coffee and Chuckie jelly upang makatulong sa tatay kong may sakit (enlargement of prostate) na naka-catether and unable to work. Ninasa ko pong tumulong sa aking tatay na nagshoshoulder lahat ng bills dahil kami ay natatambakan na po ng bills.”
Matatandaan naman na noong nakaraang Linggo nang mag-anunsyo si Gretchen tungkol sa pamamahagi niya ng 50 bisikleta sa 50 deserving people.
“Because a BIKE can spell the difference between keeping a livelihood or not.”
Source: Ptama
0 Comments