Matapos ang pagsasara ng ABS-CBN Network bunsod ng hindi pagbibigay ng pahintulot sa pagre-renew ng prangkisa ng Kongreso kamakailan, ay marami ang nawalan ng trabaho at hanap buhay mapa-artista man o ordinaryong empleyado. Kaya naman, marami ang nalungkot sa hindi inaasahang pangyayari na ito. Ilang taon ring namayagpag ang nasabing Network at sa mga taong sila’y umeere ay maraming tao ang kanilang natulungan at nabago ang buhay.
Isa na nga rito ang komedyanteng si Pokwang, na nagsimula ang karera sa ABS-CBN matapos magwagi sa isang contest ng istasyon noong 2004. Matapos magwagi at tanghaling champion ay agad na bumuhos ang mga proyekto sa kanyang karera bilang isang contract artist. At dahil nga sa kanyang husay sa pagpapatawa, maging sa drama, at sa pagiging host ay mas lalo siyang nakilala at hinangaan ng publiko. Namayagpag at naging matagumpay ang karera ni Pokwang sa showbiz sa tulong na rin ng ABS-CBN.
Ngunit, matapos ang halos 15 taong kaagapay sa buhay ang ABS-CBN ay namaalam na si Pokwang sa istasyon dahil nga sa biglaang pagsasara nito. Na kung saan ay naghanap siya ibang mapagkakakitaan upang patuloy na masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
At ngayon nga ay bahagi na si Pokwang ng TV5, kung saan may sarili siyang game show na “Fill In The Bank” , at sa naganap na virtual presscon ng programa ay hindi napigilang maging emosyunal ni Pokwang matapos maalala ang bigat sa dibdib ng kanyang paglisan sa ABS-CBN.
Ayon nga kay Pokwang, sa loob ng 15 na taong pananatili sa Network ay malaki ang nabago sa buhay niya. Kaya naman, napakalaki ang pasasalamat niya sa pagtitiwala ng istasyon sa kanya sa mga nakalipas na taon. At ang 15 years na pamamalagi rito ay isang napakahirap na desisyon upang tuluyang mamaaalam sa network.
“Ang laki po talaga ng nabago ng buhay ko at nagpapasalamat po ako nang sobra-sobra sa ABS (CBN), sa mga nagtiwala sa akin.”
Sa kabila naman nito, ay nagpasalamat si Pokwang dahil agad niyang nalaman na wala na siyang kontrata sa ABS-CBN. Kaya naman, agad siyang nakahanap ng paraan upang maisalba ang kanyang pamilya. Dahil nga, kailangan niyang kumayod upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, hindi na nagdalawang-isip pang lumipat ng istasyon si Pokwang.
At ngayon nga, labis ang pasasalamat niya sa ATP at Archangel na siyang tumanggap sa kanya at sumalo ng kanyang karera sa showbiz.
Sa kabilang banda, hindi naman nawawala sa komedyante ang pagtanaw ng utang na loob sa ABS-CBN at labis siyang nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng istasyon.
“Maraming-maraming salamat po. Hindi mawawala siyempre kung ano ‘yung nagawa sa akin ng ABS, sobrang thank you po talaga.”
Samantala, ibinahagi rin ni Pokwang ang kanyang nararamdamang kaligayahan sa tuwing may Kapamilya stars na naggi-guest sa kanyang game show.
“Natutuwa ako kasi lahat naman tayo ay kailangang ng trabaho, kailangan nating kuminta, hindi puwedeng ngumanga lang. Kaya kapag nakikita ko yung mga nakatrabaho ko dati, sobrang saya ko. Nagkakagulatan na lang din kami minsan, pero ang sarap sa pakiramdam”.
Source: Ptama
0 Comments