Mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao, Pinabilib ang mga Netizens sa kanilang Intense Boxing Work Out

Isa nga sa bonding moments ng mag-asawang Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao ay ang mag-ehersisyo ng magkasama. Mas lalo nilang na-ienjoy ang kanilang work out, dahil nga ginagawa nila itong magkasama. At bilang kilalang Pambansang Kamao, hindi lamang simpleng work out ang ginagawa ni Manny upang maging fit and healthy ang kanyang katawan.



Photo credits: Manny Pacquiao | Facebook

Kamakailan nga, maraming netizens ang bumilib sa exercise routine ng mag-asawang Pacquiao, dahil hindi lamang simpleng ehersisyo ang kanilang ginawa kundi intense boxing work out.
Sa facebook account ni Manny, ibinahagi niya ang maikling video ng pagwowork-out nila ni Jinkee. Makikita nga sa naturang video, na hindi lamang ang Pambansang Kamao ang malakas magbitaw ng suntok, kundi pati na rin ang may bahay niyang si Jinkee. Marami nga ang nagulat at humanga kay Jinkee sa abilidad niyang ito.

Photo credits: Manny Pacquiao | Facebook   

Tagaktak man ang pawis, ay todo bigay pa rin sa pag-eehersisyo ang mag-asawa sa kanilang sit ups at cardio boxing na talaga namang makikita na enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa.
Umapaw ng papuri ang ginawang work out at bonding moments ng mag-asawa mula sa mga netizens at may nagsabi pa nga na ‘The couple that works out together stays together’.



Photo credits: Manny Pacquiao | Facebook

Samantala, maraming netizens naman ang humanga sa mag-asawa sa ipinapakita nilang pagsuporta sa isa’t isa, lalo na si Jinkee na kung saan ay laging kaagapay ni Manny anumang oras. Komento nga ng isang netizen, ay hindi raw iniwan ni Jinkee si Manny sa bawat laban nito kung saan ay ipinapakita ang suporta at pagmamahal sa asawa.

Photo credits: Manny Pacquiao | Facebook

“She supports her husband from all angles. If you have watched any fight of Pacman. You would find this woman in the VIP section praying and giving thumbs up to every point Pacman won. What a wife!”

Hindi naman maikakaila, na isa sa sikreto ng matibay nilang relasyon at pagkakasundo at ang pagkakaroon nila ng bonding moments sa mga bagay na pareho nilang gusto na nakakatulong sa kanila. Ayon nga sa isang netizen, ay napakahalaga sa pagsasama ng mag-asawa ang pagkakaroon ng madalas na pagbobonding ng mag-asawa upang magkaroon ng matatag na relasyon.

“Manny, that was really wonderful of you to show us men that we can use our wife in various ways to like what we do. Your wife tells us men that all other wives can be in every part of her husband’s journey and vise versa. The message I have is let your partner be your partner so the relationship is tighter and bonding. Love this.”

WORKING OUT WITH MY WIFE

Posted by Manny Pacquiao on Wednesday, 26 August 2020

Tunay nga, na meant for each other talaga ang mag-asawang sina Jinkee at Manny dahil sa kahit na anumang bagay ay nagkakasundo at ipinapakita nila ang suporta at pagmamahal sa bawat isa.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments