Dating PBB Housemate Fourth Solomon, Ikinasal na sa Kanyang Napakagandang Girlfriend na si Grizelle Gratela na Isang Modelo

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang matagpuan ang taong magiging kabiyak sa buhay, na siyang magdadala ng saya at kulay sa ating pusong nangungulila. Tunay nga na iba ang hatid na kaligayahan kapag ang minimithing tunay at wagas na pag-ibig ay natagpuan sa tamang tao at tamang pagkakataon.



Ganito nga, ang nadaramang kaligayahan ng Ex-PBB housemate na si Fourth Solomon matapos maikasal sa kanyang napakagandang girlfriend na si Grizelle Gratela na isang modelo.
Matatandaan na noong Disyembre ng nakaraang taon nang mag-proposed ang Ex-PBB Housemate sa kanyang nobya na si Grizelle sa napakaromantikong lugar sa San Francisco, California. At matapos lamang ang walong buwan ng kanilang engagement, ngayon naman ay masayang-masaya ang dalawa sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grizelle Anne P. Gratela (@grizellegratela) on

Araw ng Huwebes, ika-27 ng Agosto, nang ginulat ni Fourth at ng kanyang fiancee ang publiko sa kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa La Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City. Ang kanilang intimate wedding ceremony ay dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya. At dahil nga nasa gitna ng pandemya, ay naging maingat at sinunod nila ang safety protocols sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fourth Pagotan (@fourthsolomon) on

Samantala, matapos ang kanilang masayang kasalan, ay ibinahagi naman nila sa kanilang mga Instagram ang kaganapan sa kanilang seremonya ng kasal. Kinabukasan, ika-28 ng Agosto, nang magbahagi ang newly wed ng mga larawang kuha sa venue ng kanilang kasal.



Kalakip ng kanilang mga larawan, hindi maitago ang saya ni Fourth sa kanyang post na may caption na: “Simple and memorable. Officially my wifey @grizellegratela.”
Samantala, ang kabiyak na ngayon ni Fourth na si Grizelle, ay mababakas naman ang labis na kaligayahan at pasasalamat sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grizelle Anne P. Gratela (@grizellegratela) on

“Yesterday was full of happy tears! Officially Mrs. Grizelle Anne P. Gratela-Pagotan 😍 Can’t wait to Spend the rest of forever with you @fourthsolomon Everything was perfect and beautiful! I love the design, the food and the weather!!! You may see my stories, i also created a new highlight!😍 THANK YOU TO OUR WONDERFUL SUPPLIERS! Thank you guys! you definitely exceeded my expectation 😍 You made my dream intimate wedding come true 🙌🏻😍”

Nagpaabot naman ng pagbati ang kambal ni Fourth na si Fifth sa espesyal araw ng kanyang kapatid at asawa nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fifth Solomon Pagotan (@fifthsolomon) on

“Congrats Fourth & Zel! Mister and Misis Pagotan! Stay in love! Hala.. ako na next ata. Sa mga may crush sakin jan, umamin na.”

Matatandaan na unang nakilala ang kambal na sina Fourth at Fifth sa reality competition na programa ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother: All In”.
Congratulations Fourth and Grizelle! Best wishes!


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments