425 Piraso ng Gold Coins na Mahigit 1000 Taon nang Nakabaon sa Lupa, Nahukay ng mga Kabataan sa Israel

Ang makapaghukay ng isang kayamanan ay maituturing isang malaking bagay upang makuhang muli ang halaga nito sa kasalukuyang panahon.

Isa ngang mahalagang papel ang ginampanan ng ilang kabataan sa Israel, matapos makahukay ng mahigit 1100 gulang na gold coins sa lupa. Sa kwento ng Israel Antiquities Authority sa kanilang Facebook page, napag-alaman na ang mga kabataang ito, ay volunteer sa isang excavation site kung saan planong magtayo ng ilang pabahay.



At sa paghuhukay sa lupa ng mga kabataan, ay hindi inaasahang makahukay sila ng mahigit 425 piraso ng 24-karat gols coins. At ayon sa pananaliksik, ay mahigit 1100 na taon na umano itong nakabaon lupa. Ang dami naman ng gold coins ay may kabuuang bigat na 845 grams.

Ayon naman sa excavation director na si Liat Nadav-Ziv, ang taong nagbaon raw ng mga gold coins ay umaasahang makuha niya ulit ito dahil talagang iningatan ito kung saan ay nilagyan pa ng pako upang huwag maalis sa pwesto. Ngunit, sa hindi malamang dahilan, ay hindi na ito nakuha ng may-ari at nabaon na nga ng mahabang panahon sa lupa.

“The person who buried this treasure 1,100 years ago must have expected to retrieve it and even secured the vessel with a nail so that it would not move. We can only guess what prevented him from returning to collect this treasure.”

Ayon naman sa kwento ng isa sa mga kabataang nakahukay ng gold coins na si Oz Cohen, hindi raw talaga nila inaasahan na mahuhukay nila ito. Noong una nga, inakala raw nila na dahon lamang ito. At kalaunan nga, ay bumungad sa kanila ang mga coins na nakalagay sa isang gusi. Nakaramdam umano siya ng excitement dahil nakahukay siya ng kayamanang tulad nito.

“When I looked again I saw these were gold coins. It was really exciting to find such a special and ancient treasure.”

Ang mga nahukay na gold coins ay matagal na panahon na nga, at ito ay nagmula pa sa 9th century ng bansang Israel kung saan ay nasa ilalim pa sila ng pamumuno ng Islamic Abbasid Caliphate na namuno sa Algeria at Afghanistan noong panahon iyon.

Samantala, kung halaga naman ng nahukay na gold coins ang pagbabasehan, ay hindi biro ang halaga nito. Ang isa nga sa mga nahukay na gold coins ay may pambihirang katangian dahil may mukha ito ni Byzantine emperor Theophilos at posibleng tinubog sa kalapit na Constantinople, ang kabisera noon ng imperyo. Ang isang gold coin naman ay maaaring ibili ng isang alagang baka, samantalang ang kabuuang halaga ng gold coins ay maaari namang makabili ng isang mansyon sa Fustat, ang tinaguriang mayamang kabisera noon sa Ehipto.



Ngunit, ano kaya ang nag-udyok sa may-ari ng mga gold coins na ibaon ito lupa? Kapansin-pansin naman na pinakuan pa niya ito sa bawat gilid upang huwag magalaw, at plano niya talagang kunin. Ano kaya ang nangyari at hindi na nagawang balikan pa ito ng may-ari?


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments