Mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Ipinasilip ang Kanilang Napakagandang Luxury Costumized Van

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang magkaroon ng isang sasakyan dahil malaki ang naitutulong nito pagdating sa ating mga importanteng lakad. Ngunit, kaakibat naman ng pagkakaroon ng sasakyan ang matinding traffic lalo na sa Metro Manila.

Ang traffic nga ang isa sa iniindang suliranin ng bansa sa sobrang haba at bagal ng usad ng mga sasakyan. At ang ilan nga sa mga empleyado ay na-lelate pa sa kanilang trabaho dahil sa haba ng traffic.




Kung traffic lang din ang pag-uusapan, dapat kasing haba rin ng pila ng mga sasakyan ang pasensya mo dahil kapag ikaw ay naipit sa matinding traffic ay tiyak na matinding pagkabagot at gutom ang abot mo. Ngunit, ang matinding suliraning ito ay nabigyan na ng solusyon. At ilan nga sa mga sikat na artista sa showbiz ang may sarili na ngayong customized van kung saan ay pwede mo ng gawin ang mga nais mo na parang nasa loob lang ng tahanan.

Isa na nga rito ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na may kahanga-hanga sa gandang luxury customized van. Ito nga ay isang top-of-the-line Hyundai H350 na mas pinalutang ang ganda ng Tuned In Style. At magmula nga nang magkaroon sila ng naturang van ay tila naging magaan ang kanilang bawat byahe sa gitna ng traffic.

Ayon nga sa maybahay ni Robin na si Mariel, ay halos umaabot raw ng apat na oras ang biyahe niya mula sa kanilang tahanan patungo sa trabaho. At kapag naipit pa sa traffic ay mas lalong tumatagal ang panahong pananatili sa loob ng sasakyan, kaya naman may mga pagkakataon umanong kinakailangan niyang gumamit ng CR upang umihi.

Laking pasasalamat nga ni Mariel dahil nagkaroon sila ng isang customized van kung saan ay may sariling CR. Kung nais namang magpahinga at matulog ay mayroon rin itong nakahandang higaan. May mini bar at dining area rin ang naturang van, at ayon nga kay Mariel, ay dito na siya halos araw-araw kumakain kapag may mga appointments.




Bagama’t, gumatos sila ng ilang milyong piso para mabili ang napakagarang van, ay makikitang sulit na sulit naman ang perang nagastos nila. Makikita nga na talagang napakaganda ng interior design nito, maging ang upholstery na ginamit rito ay kahanga-hanga rin. Mas lalo namang natuwa ang mag-asawa dahil sa napakagandang van na ito natagpuan nila ang kapanatagan at pagiging komportable sa kanilang paglalakbay. Napakalinis rin nitong tingnan at may malawak ring espasyo kung saan ay maaaring makasakay ang walong katao.

Talaga namang matatamo ng pamilya nina Robin ang hinahanap nilang comfort sa loob ng van dahil ang mga couch at higaan nito ay yari sa leather na kung saan ay maghahatid ng magandang pwesto at masarap na higaan. May makikita ring TV at sound system rito na maghahatid naman ng entertainment. Kahanga-hanga rin ang ganda ng lightning sa loob ng van na mas lalong nagpalutang sa ganda ng nito.

Isa nga ang mag-asawa sa mapalad na nakabili ng napakaganda at garang van na ang hatid ay tunay na kapanatagan at kaligayahan sa kanilang bawat biyahe. Tunay nga na napakagandang investment nito na kanilang magagamit sa pang-araw-araw nilang paglalakbay.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments