Ang kilalang Megastar sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta bagama’t sikat at kilalang aktres, ay nawalan parin ng maraming proyekto dahil sa pandemya. Isa nga ang Megastar sa naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya sa ating bansa. Mabuti na lamang at marami siyang ari-arian na maaari niyang ibenta upang magamit sa kanilang mga pangangailangan.
Sa latest vlog nga ni Megastar Sharon Cuneta na The Sharon Cuneta Network, ibinahagi niya na nagbebenta siya ng mga ari-arian. Ayon nga sa kwento ng Megastar, mahilig umano siyang mangolekto ng mga bagay na maaari niyang mapakibangan pagdating ng pahanon. Ito nga ay mga bagay na tumataas ang halaga sa katagalan katulad na lamang ng mga alahas at relo.
Ang pagkahilig sa mga relos ay namana ng aktres sa kanyang ama, samantalang ang pangongolekta naman ng mga alahas ay nakuha niya sa kanyang ina, dahil nga may anak na babae, ay maaari niya itong ipamana.
Maliban sa alahas at mga relos, malaki rin ang pagkahilig ng Megastar sa real states tulad ng bahay at lupa na kung saan ay malaki ang naitulong sa kanya noong oras na nagipit at panahong naghihirap siya.
“I love real estate because that’s what I learned from my dad and it has helped me get through tough times.”
Ayon nga sa Megastar, ay halos walong buwan na siyang walang trabaho dahil sa hindi inaasahang pagkansela ng kanyang mga proyekto tulad ng movies, concert at corporate shows. Dagdag pa nga rito, ang kalagayan ng bansa ngayon dahil sa pandemya na nakaapekto rin sa kanyang karera.
“Like wala akong trabaho ng walong buwan na. I lost two concert tours, one with Regine and one in Australia by myself. This year, I would’ve been shooting my third movie by this time for the year kung hindi nagka-COVID. At meron akong corporate shows na sunod-sunod. Mga lima yata naka-lineup na hindi natuloy. Ang dami na po nawala.”
Pag-amin naman ni Megastar Sharon, ay nagbebenta siya ng mga ari-arian at bago nga dumating ang krisis na nararanasan ngayon, ay nakapagbenta siya property noong nakaraang taon. At hanggang ngayon nga, ay patuloy ang pagbebenta niya ng mga ari-arian dahil sa kawalan ng proyekto.
“Pero sa awa ng Diyos, I was able to sell real estate just before last year ended and that is why I’m okay and nakakatulong. And I’m selling properties.”
Dahil nga, pinaghirapan at pinagsumikapan ni Megastar ang kung anong meron siya, ay pinapahalagahan niya ang mga ito. Kahit mahal niya ang pera, hindi naman raw umabot sa puntong sinamba niya ang salapi.
“Yan ang ganda ng pag-iinvest. Kasi alam ko kung kelan ako pwede gumastos para ma-enjoy ko ‘yung pera because I don’t like money to rule me. I like to enjoy money. And I love money. You know why? Because I am the master of my money. Money is not my master. It never will be.”
Isang patunay ang Megastar na gaano man kasikat at katagumpay ang karera ay nawawalan rin ng pera kapag may dumating na krisis sa ating buhay. Kung kaya’t napakahalaga na magkaroon ng investment at matutong mag-ipon nang sagayon ay may mahuhugot sa oras ng kagipitan.
Source: Ptama
0 Comments