Aktor na si Ejay Falcon, Ibinahagi na Malaking Parte sa Pagbabago ng Kanyang Pagkatao ang Girlfriend na si Jana Roxas

Ang “Promdi Hottie of Mindoro” na ating nakilala sa “Bahay ni Kuya” na si Ejay Falcon ay ipinamalas ang kanyang talento at pagiging mabuting tao sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” kung kaya’t siya ang itinanghal na Big Winner sa naturang reality talent competition.



Matapos ngang magwagi bilang Big Winner sa nasabing season ng PBB, ay dumagsa na ang mga proyekto kay Ejay na ngayon nga ay isa ng kilala at hinahangaang aktor sa showbiz.

Photo credits: Ejhay Falcon | Instagram

Katulad naman na matagumpay na karera ng aktor, ay napakasaya rin ng kanyang buhay pag-ibig na binigyang kulay ng kanyang girlfriend na si Jana Roxas. Going strong nga ang relasyon ng dalawa na ngayon ay apat na taon nang magkasintahan. Sa loob ng apat na taon nilang relasyon, ay nakilala na nila ang isa’t isa. Isa nga sa pareho nilang naienjoy ay ang pagta-travel nang magkasama sa iba’t ibang magagandang lugar.

At ngayong August 2020, ay plano sana nilang magtungo sa Amerika upang ipagdiwang ang 30th birthday ni Jana, ngunit dahil nga sa pandemya ay hindi ito natuloy.

Photo credits: Ejhay Falcon | Instagram   

Sa panayam naman ng PUSH sa aktor, ay labis niyang ipinagmamalaki ang kasintahang si Jana, na hindi ito materialistic na tao bagkus ay nais nitong magkasama sila sa mga espesyal na araw ng buhay nila sa pamamagitan ng pagtatravel. At ang pagtatravel ng magkasama ay nakakatulong sa kanilang relasyon upang mapagtibay at mapatatag ang kanilang pagmamahalan.

Photo credits: Ejhay Falcon | Instagram

Samantala, maliban sa pagiging mabuting kasintahan ni Ejay, ipinagmamalaki rin ng aktor si Jana kung paano nitong nabago ang kanyang pagkatao simula ng dumating ang kasintahan niya sa kanyang buhay. Ito nga ang ibinahagi ni Ejay sa PUSH sa kanyang panayam.



Ayon nga kay Ejay, ay malaking parte sa pagbabago ng kanyang pagkatao si Jana. Marami ng nabago sa buhay ng aktor at sa bawat aspeto nito ay palaging niyang kasama at nasa tabi niya ang kasintahan kung saan ay hindi siya iniwan.

Photo credits: Ejhay Falcon | Instagram

“Maraming nabago sa buhay ko. Masasabi ko na yung maturity ko sa napakaraming bagay, sa mga decision making, malaking part siya no’n. Kapag malungkot ako ay andyan din siya para palakasin ang loob ko”.

Hindi man natuloy ang kanilang pagbabakasyon sa Amerika, ay nagpaabot naman ng mensahe si Ejay para sa kaarawan ni Jana. Mababakas nga sa mensahe ng aktor, kung gaano siyang nagpapasalamat sa pagdating nito sa buhay niya.

Photo credits: Ejhay Falcon | Instagram

“Palagi ko ipagpapasalamat dahil dumating ka sa buhay ko. Maraming salamat sa lahat. Napakabuti ng puso mo kaya madaming nagmamahal sa ’yo. Napakasuwerte ng mga taong mahal mo.” “NAPAKASWERTE namin lalong-lalo na ako dahil grabeng magmahal ang isang tulad mo. Happy birthday baby, Love you so much.”



Maging ang birthday wish ni Ejay para sa kasintahan ay nakakaantig rin at mababakas ang buong pusong pagmamahal.

“Ang wish ko, sana wag siyang magbabago, Alam ko palagi niya inisip ang magpapasaya sa mga mahal niya sa buhay. And siyempre good health din sa kanya at sa lahat ng mahal niya sa buhay.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments