Mga Kuha na Video kay Daniel Padilla Matapos Mabangga ng Tricycle ang Kanyang Kotse Viral sa Social Media

Tunay nga na ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling oras at lugar. Dahil ang pagkakaroon ng mabuting kalooban ay kusang lumalabas kapag may nangangailangan ng tulong. Ito nga ang pinatunayan ng Kapamilya star na si Daniel Padilla.




Viral nga ngayon sa social media ang kuha ng video kung saan makikitang nabangga ang sinasakyang kotse ng aktor ng isang tricycle sa kahabaan ng Quezon City Road. Ngunit, hindi katulad ng nakasanayang away sa kalsada sa tuwing may banggahan, kakaiba ang ginawang ito ng aktor. Isa ngang eksena na nagbigay ng surpresa sa lahat, lalo na sa nakabanggaan nito. Dahil sa halip na magalit ay si Daniel pa ang nagbigay ng tulong sa nakabangga sa kanya na isang tricycle driver.

Ang kaganapang ito ay nangyari sa Fairview Quezon City, habang lulan si Daniel ng kanyang sports car. Ayon nga sa mga nakasaksi, binigyan umano ni Daniel ang tricycle driver ng pera upang tulong sa naging pinsala dito. Makikita sa video na nakikipag-usap si Daniel sa tricycle driver na nakabunggo sa kanya, at base sa kanilang posisyon, ang bumper ng sports car ni Daniel ang napinsala. Ayon pa sa mga nakasaksi, ay wala namang nasaktan sa insidente at tanging kaunting galos lang sa sasakyan ng aktor ang naging pinsala. Nagkaroon man ng pinsala ang sasakyan ng aktor, mas inuna parin nito ang kapakanan ng nakabangga sa kanya.

Marami nga ang humanga sa ipinakitang kabutihan ng aktor, isang tunay na good samaritan. Kaya naman, hindi maitatanggi na mas lalong dumarami ang taong sumuporta at nagmamahal sa kanya.

Ilan nga sa mga nakasaksi tulad ng mga netizens na sina Jessica De Vera Tamayo at Reynaldo Duron ay ibinahagi ang mga larawan at videos ng aktor sa Facebook na kung saan ay mababakas ang labis na paghanga sa aktor.

“Si Daniel na nabunggo siya pa nagbigay kay manong. Bait talaga,”

caption ni Jessica sa kanyang post.

“Sobrang bait ni Daniel Padilla. Siya na nabangga, siya pa nagbayad sa tricycle,”

caption naman sa post ni Reynaldo.




Tunay nga na hindi lamang angking kagwapuhan at talento sa pag-arte ang maipagmamalaki ng aktor, kundi pati na rin ang kanyang napakabuting puso.

Samantala, tiniyak naman ng ina ni Daniel na si Karla Estrada sa mga tahanga ng kanyang anak na ito ay ligtas at nasa maayos na kalagayan kaya walang dapat ipag-alala ang mga ito.

“Guys, okay si DJ. Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At siyempre, everybody happy! No problem! Tuloy ang buhay!”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments