Silipin ang mga Nag Gagandahang Sasakyan na Buhat sa Pagsisikap ng mga Sikat na Personalidad na ito

Marami na nga sa mga sikat personalidad sa showbiz ang nakapagpundar ng kanilang hinahangad na bagay na bunga ng kanilang pagsisikap. Maliban nga sa bahay, ay marami rin ang nagnanais na makapagpundar ng mamahalin at magarang sa sasakyan.

Kilalanin ang mga sikat na personalidad nakapagpundar ng mga kahanga-hangang sasakyan.




 

Michelle Gumabao

Ang volley ball player at beauty queen na si Michelle Gumabao ay ipinagmamalaki ang kanyang naipundar na sasakyan na isang 2019 Nissan Urvan Premium.

Assunta de Rossi and Jules Ledesma

Ang mag-asawang Assunta at Jules ay may kanya-kanyang Bently cars. Ayon naman kay Assunta, ay naimpluwesyahan lng siya ng kanyang asawa sa pagkahilig nito sa mga sasakyan. Isa rin kasi itong race car driver na talagang may talento sa pagmamaneho ng sasakyan. Noong 15th Anniversary ng mag-asawa, ay nagbahagi si Assunta ng larawan kung saan makikitang nakapose silang mag-asawa sa kanilang mamahaling sasakyan na Rolls-Royce.

Kristoffer Martin

Isa namang Toyota Fortuner ang ipinagmamalaki ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin na kanyang pina fullwrap dahilan upang mas lalong gumanda ito.

 

Derek Ramsay

Nagmamay-ari naman ng isang red Ferrari ang gwapo at makisig na aktor na si Derek Ramsay na bagay na bagay sa kanyang pagiging hunk. Ipinagmamalaki rin ng aktor ang kanyang napakagandang Range Rover.




 

Willie Revillame

Isang kahanga-hanga sa gandang Rolls-Royce Wraith naman ang maipagmamalaki ni Kuya Wil.

Dingdong Dantes

Ang celebrity couple naman na sina Dingdong at Marian ay madalas maispatan na gamit ang isang matte grey Maserati sa kanilang mga lakad at date.

Alden Richards

Ang Pambansang Bae na si Alden ay nakabili noong 2016 ng mamahaling sports car na Jaguar na nagkakahalaga ng P1.63M hanggang P3.82M. At noong November 2016 naman ay muli siyang bumili ng isang Mitsubishi Pajero.

Boy Abunda

Napakapalad naman ni Tito Boy sa pagkakaroon ng kaibigang kagaya ni Kris Aquino dahil noong 2014 ay niregaluhan siya nito ng isang brand new Hummer.




 

Paul Salas

Isang red Mazda naman ang naipundar ng Starstruck kid na si Paul Salas na mula sa kanyang pagsisikap. Pinafull body wrap nya naman ito ng itim.

Barbie Forteza

Labis naman ang kaligayahan ng aktres na si Barbie Forteza matapos mapanalunan ang isang Toyota Fortuner.

Karel Marquez

Isang napakagandang BMW naman ang naging wedding gift ni Karel sa asawa niyang si Sean Farinas.




 

Rodjun Cruz

Mitsubishi Montero Sport GT ang bagong baby ni Rodjun na talaga namang kahanga-hanga sa gara.

 

 


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments