Silipin ang mga Kakaibang Pinaglihian ng mga Artistang ito noong sila ay Nagbubuntis

Isa nga sa hirap na pagdadaan ng isang buntis ay ang paglilihi. Hindi naman talaga madali ang maglihi dahil nga sa iba’t ibang klaseng nararamdaman. Bukod nga sa masamang pakiramdam at mood swings ay marami rin ang nais kainin na hindi mawari ng isang buntis. Maging ang mga celebrity moms ay dumaan rin sa paglilihi at may kakaiba ring pinaglihian habang silay’ nagbubuntis.




Kilalan kung sinu-sino ang mga artista na may kakaibang pinaglihian at kung anu-ano ang mga ito.

Marian Rivera

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay naglihi ng pinagbubuntis niya ang panganay na si Zia. Ngunit, hindi tulad ng iba, simple at tipid lang ang pinaglihian niya. Ito nga ay ang kilalang candy na White Rabbit at Haw Haw. Sa bunso namang si Sixto, ay kamias at mga maaasim na pagkain ang madalas kainin ni Marian.

Camille Prats

Noong ipinagbubuntis naman ni Camille ang unang anak nila ng asawang si VJ Yambao na si Nala, hindi pagkain kundi isang tao ang pinaglihian ng host, ito nga ang aktor na si Gerald Napoles.

Kris Aquino

Habang nagbubuntis naman sa anak nila ni Philip Salvador, na si Josh, ang pinaglihian umano ng Queen of All Media ay balut.

Katya Santos

Ang bibong bata na si Ryzza Mae Dizon naman ang pinaglihian ni Katya Santos nang magbuntis siya sa kanyang anak na si Tala.

Regine Velasquez-Alcasid

Habang magbubuntis naman ang Song Bird kay Nate, ay malaki umano ang pagkagusto niya sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.




Sharon Cuneta

Sa Amerika nagbuntis si Megastar sa kanyang panganay na si KC, kaya naman maswerte siya dahil ang pinaglilihian niyang plums ay madalas niyang makain.

Aubrey Miles

Ang asawang si Troy Montero ang pinaglihian naman ni Aubrey Miles habang ipinagbubuntis ang anak na si Hunter.

Heart Evangelista

Mahilig naman sa kulay puti si Heart noong nagbuntis niya. At madalas nga niyang kainin ay mga kulay puting pagkain tulad ng gatas at white bread.

Anne Curtis

Ang sexy mom na si Anne ay mas lalo namang nakahiligan ang pagkain ng patatas noong nagbubuntis siya kay Dahlia.




Solenn Heuassaff

Naging madali naman ang pagbubuntis ni Solenn dahil hindi siya nakaranas maglihi sa kanyang first trimester ng pagbubuntis. Ngunit, ang nagpahirap sa kanya habang pinagbubuntis si Thylane ay ang pagkakaroon ng APAS o ang nagdudulot ng maagang panganganak ng mga buntis.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments