Mommy Anne Curtis, Masayang Ibinahagi ang Kalikutan ni Baby Dahlia sa 5th Month Photoshoot nito

Matatandaan na noong March 2, 2020, isinilang ng aktres at host na si Anne Curtis ang napakacute na si Baby Dahlia Amelie. Si Baby Dahlia nga ang bumuo at nagbigay kulay sa kanilang pamilya at pagsasama ng asawa niyang si Erwan Heusaff.




Sa bawat araw na kasama nga ni Anne ang kanyang napakacute na anak ay kanya ngang ninanamnam ang bawat sandali. Hindi naman maitatanggi na kaybilis ng paglipas ng panahon. Sa bawat araw ngang dumadaan ay masayang ibinabahagi ni Anne ang milestone ng anak na talagang nakakatuwa ang pagbabago at marami na rin itong natututunan.

At ngayon nga, ay 5 buwang gulang na si Baby Dahlia na talaga namang makikita ang malaking pagbabago. Sa bawat buwang kaarawan ni Baby Dahlia, ay nagkakaroon ng DIY photoshoot si Anne at Erwan kay Baby Dahlia, ngunit ngayong pagsapit ni Baby Dahlia ng 5 months ay naging mas challenging na kina Anne na kunan ng larawan si Baby Dahlia. Hindi nga tulad ng dati na tahimik lang si Baby Dahlia, ngayon nga ay malikot na ito at kung ano-ano na ang nais gawin habang kinukunan ng larawan.

Tila mas nais ni Baby Dahlia ang sariling bersyon ng photoshoot niya dahil iba’t ibang posisyon ang ginagawa nito.




“It was really easy to take pictures of her for the first 4 months. Now, Dahlia has her own ideas on how these photo shoots should go,”saad ni Erwan na nahihirapang kunan ng larawan si Baby Dahlia.

Ngunit, sa kabila naman ng kalikutan ni Baby Dahlia ay nakunan naman nila ito ng magandang kuha ng larawan para sa kanyang 5th Month. Mahirap mang kunan ng larawan ay nag-enjoy naman ang mag-asawa sa bagong milestone ni Baby Dahlia na talaga namang gusto ng mag-explore ng iba’t ibang bagay.

“Too cool for school. Naka de kwatro pa. Happy 5th month to our little daahling, Dahlia Amelie. It’s so hard to take a picture of her na. Ang likot likot,”saad naman ni Anne.

Ayon pa kay Anne, matapos nga nilang makunan ng maayos na larawan si Baby Dahlia ay sinipa pa nito ang mga bulaklak na ginamit bilang dekorasyon.

“Soon after this picture was taken, she kicked off her shoes AND SOCKS and then kicked the flower arrangement I took an hour putting together. Kulit kulit little girl.”

Kahit naman sobrang likot at kulit na ni Baby Dahlia, masayang-masaya naman si Anne dahil kasama niya ang anak sa bawat milestone nito, lalo na ang kakulitan ni Baby Dahlia.

“I’m so thankful to have her and all her kulitness to brighten my days when they get gloomy. Love her to bits and pieces.”





Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments