Napakagandang Anak at Unica Hija ni Ai-Ai Delas Alas na si Sophia, Nais ring Pasokin ang Showbiz at Sundan ang Yapak ng Ina

Ang mga mahuhusay na komedyante ang isa rin sa nagbibigay kulay sa entertainment industry. Sila nga ang nagbibigay saya at kaligayahan sa mga manonood na talaga namang may kahanga-hangang talento sa pagpapatawa. At kapag sikat na komedyante, ay tiyak na kilalang-kilala natin ang tinaguriang “Comedy Queen ng Pilipinas” na si Ai-Ai delas Alas.

Marami na nga ang napatawa ni Ai-Ai sa kanyang pagganap sa mga pelikula, at sa pagiging isang komedyante higit siyang nakilala ng publiko. Magmula nga dekada 90 hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagbibigay kasiyahan ni Ai-Ai sa publiko.



Maliban naman sa angking talento sa pagpapatawa, ay kahanga-hanga rin ang angking husay niya sa pag-arte pagdating sa drama. At noong 2003 nga, ay naging blockbuster hit ang pelikula niyang “Tanging Ina”, na nagpaiyak at nagpatawa sa mga manonood dahil sa ganda ng kwento. Kaya naman, nasundan pa ang pelikula at ginawan ng sequel kung saan ay nagkaroon ng “Tanging Ina Nyong Lahat” noong 2008 at “Tanging Ina Mo” ( Last na ‘To!) noong 2010.

Ngunit, hindi lamang sa pelikula isang tunay at natatanging ina si Ai-Ai kundi maging sa tunay na buhay. Labis nga ang pagmamahal ng aktres sa kanyang Unica Hija na si Sophia na talagang ipinapakita ang isang responsable at mabuting ina. Kaya naman, hinahangaan rin ni Sophia ang ina sa kasipagan at pagsusumikap nito sa trabaho upang mabigyan silang magkakapatid ng magandang buhay.

Photo credits: Sophia Delas Alas | Instagram

Photo credits: Sophia Delas Alas | Instagram  

Ang napakagandang si Sophia ay anak ni Ai-Ai sa kanyang dating asawa na si Miguel Vera. Maliban kay Sophia ay may tatlo pang anak si Ai-Ai, sina Sean Nicolo Vera, Sancho delas Alas at adopted son na si Seth Andrei. Nagtapos si Sophia ng Senior High School sa US nang sumama ito sa kanyang ama, ngunit mas pinili pa rin nitong ituloy ang pag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas sa De La Salle University.

Photo credits: Sophia Delas Alas | Instagram

Hindi naman maikakaila na bukod sa taglay na kagandahan ng 24 taong gulang na anak ni Ai-Ai na si Sophia, ay kahanga-hanga rin ang angking talento nito sa pag-awit at sayaw. Maging sa pag-arte ay may angking talento rin ito. Kaya naman, hindi nakapagtataka na malaki ang tyansa na sumikat ito sa showbiz. Ayon nga kay Ai-Ai, nais ng kanyang anak mag-artista ngunit, ayaw naman nitong magulo ang pribadong buhay.

Photo credits: Sophia Delas Alas | Instagram



Photo credits: Sophia Delas Alas | Instagram

“She really wants to act, but doesn’t like her privacy to be invaded. She still needs to learn how to compromise.”

Photo credits: Sophia Delas Alas | Instagram

Samantala, ayon naman kay Sophia ay malaki talaga ang pagnanais niyang pasokin ang showbiz at maging isang artista. Maliban nga, sa hinahangaan ni Sophia ang galing ng ina bilang komedyante, nais rin niyang sundan ang yapak ng ina sa pag-arte. Kaya naman, hindi maikakaila na proud na proud si Ai-Ai sa kanyang anak, kung kaya’t suportada niya ito anuman ang maging desisyon nito.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments