Silipin ang Napakagandang Vacation House ni Kris Bernal na Matatagpuan sa Los Angeles California

Hindi naman talaga biro ang makapagpatayo o kaya naman ay bumili ng isang bahay dahil tiyak na malaking halaga ang kakailanganin para rito. At upang magkaroon nga ng isang maayos at magandang tirahan ay kailangan nating magsumikap sa buhay.



Kung ang magpatayo ng bahay sa Pilipinas ay malaking halaga ang kailangan, tiyak naman na doble ang halagang magagastos kapag sa ibang bansa magpatayo o bumili ng bahay. Ngunit, hindi nagpatinag ang aktres na si Kris Bernal sa halaga na maaari niyang magastos upang bumili ng bahay sa US. Dahil nga sa pagsusumikap sa buhay, nakapagpundar ng isang bahay ang aktres sa Los Angeles, California.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube Channel

Sa vlog ni Kris Bernal noong December 2019, binigyang katuparan niya ang hiling ng kanyang mga tagahanga na magkaroon ng house tour sa kanyang vacation house na matatagpuan sa US. Sa Youtube Channel ng aktres na SheisKrisB, ibinahagi niya ang kanyang minimalist modern house na kanyang naipundar noong taong 2018.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube Channel     

Ayon nga kay Kris, ay dugo at pawis pati na rin kaluluwa ang ibinigay at ibinuhos nila upang maisakatuparan ang pangarap nilang bahay sa US. Matagal na ngang hiling ng kanyang mga tagahanga ang house tour na ito, at ngayon nga ay masisilayan na ang ganda ng tahanan ni Kris sa L.A.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube Channel

“The long wait is over! Request granted for you, mga SHE-zums! This is another house tour but this time, our house in Los Angeles, California! Let me tour you from the gate, to the clubhouse, to the house! It’s not as bongga as other celebrity houses! Pero dugo, pawis, at kaluluwa naman ang binuhos namin para dito!”



Una ngang ipinakita ni Kris ang malawak na club house ng village na kinaroroonan ng kanilang tahanan, kung saan makikita ang swimming pool at jacuzzi.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube Channel

Sa unang tingin ay tila napakasimple lamang ng bahay ni Kris na ito, ngunit kapag pumasok sa loob ay bubungad ang napakaganda at modernong disenyo. Ang napakagandang bahay nga ni Kris ay may limang kwarto.

Kahanga-hanga rin ang disenyo ng living room dahil nagagandahang kagamitang makikita rito. Ang dining area naman ay may pormal ng desinyo. Sa entertainment room naman masisilayan ang isang malaking flatscreen TV. Makikita rin dito ang mga nakadisplay na larawan ng pamilya ni Kris.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube Channel

May malawak ring backyard ang bahay na ito ni Kris.

Ipinakita rin ng aktres ang mga bedrooms, at sa loft naman mas piniling matulog ni Kris dahil nga mas komportable siya dito. Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang mga pinamiling designer at branded bags at sapatos tulad ng Chanel, Louis Vuitton, at Gucci. Sa master’s bedroom naman natutulog ang kanyang kapatid at asawa nito.



Photo credits: Kris Bernal | Youtube Channel

Samantala, ayon naman sa aktres, hindi madali ang manirahan sa US, dahil lahat ng mga kailangang gawin sa loob ng bahay ay ikaw mismo ang gagawa. Dahil nga, mahal ang umupa ng tao upang maglinis ng bahay at ang rate ng bayad sa US ay per hour. Kung kaya’t, sinisikap nila ng kanyang kapatid na malinis ang buong bahay.

Ipinakilala rin ng aktres ang kanyang kapatid na ilang taon ng naninirahan sa US at nagtatrabaho bilang isang nurse.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments