Sunshine Cruz, Labis ang Pasasalamat sa kanyang Boyfriend na si Macky Mathay sa Pagmamahal at Pagtayong Ama sa kanyang mga Anak

Isa nga ang aktres na si Sunshine Cruz sa mga hinahangaan at tinitingalang artista sa showbiz. Hindi naman talaga maikakaila ang angking kagandahan at talento sa pag-arte ni Sunshine. Kaya naman, patuloy na namamayagpag ang karera ng aktres bilang isang mahusay na artista.



Samantala, ilang taon na ang nakakalipas matapos ang mainit na isyu tungkol sa pagkikipaghiwalay ni Sunshine sa dati niyang asawang si Cesar Montano. Matatandaan na noong September 2000 nagpakasal ang dalawa, ngunit taong 2013 nang mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Nagbunga naman ng tatlong magagandang anak ang kanilang pagsasama. Sila nga ay sina Angelina, Samantha at Cheska na talagang namana ang kagandahan ni Sunshine.

Ang paghihiwalay ni Sunshine sa dating asawa ay nagdulot sa kanya ng matinding kalungkutan. Ngunit, hindi naman ito naging dahilan upang tumigil ang mundo ng aktres. At sa pangalawang pagkakataong pagtibok ng puso ni Sunshine, ay tila nahanap na nga ng aktres ang tamang taong magbibigay ng kaligayahan sa kanya. Ito nga ay sa katauhan ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay na isang businessman at half-brother ng aktres na si Ara Mina.



Kitang-kita nga ngayon sa awra at pamumuhay ng aktres na masayang-masaya ito sa piling ng kanyang boyfriend. Tila nga mas lalong gumanda ang aktres magmula ng dumating sa buhay niya si Macky.
Nagmula rin sa hiwalayan si Macky, hiwalay ito sa dating asawa at may tatlong anak. Ngunit, ang kanilang nakaraan ay hindi naging hadlang upang maging masaya at iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa. Ngayon nga, ay mag-aapat na taon na silang magkasama at makikita na masayang-masaya ang kanilang pagsasama kasama ang kanilang mga anak.

Makikita naman na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa at tanggap kung ano ang kanilang mga naging nakaraan. Sa post nga ni Sunshine noong Father’s day, ay makikita ang labis niyang pasasalamat sa kanyang boyfriend dahil sa pagmamahal nito sa kanya at sa kanyang mga anak.

“My Macky! Happy Father’s Day! I don’t know if thanking you is enough for the love and support you’ve been giving not just to me and your children but to my three girls and our dogs as well. Mag aapat na taon na!

Napakabuti mong tao,”

saad ni Sunshine.



Ito na nga raw ang best Father figure para sa kanyang mga anak. Kaya naman, laking pasasalamat rin ng aktres sa pagiging mabuting tao at pagtayong ama nito sa kanyang mga anak.

“I couldn’t ask for more because my children are blessed to have the BEST father figure they could have. We are all blessed to be loved by you”.

Hindi lamang sina Sunshine at Macky ang magkasundong-magkasundo kundi pati narin ang kanilang mga anak. Makikita nga na isang one big happy family ang kanilang pamilya sa tuwing nagkakasama.
Tunay nga na napakapalad ni Sunshine dahil sa muling pagtibok ng kanyang puso ay natagpuan niya ang tunay na pag-ibig at tamang tao na magbibigay saya at kulay sa buhay niya.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments