Panganay na Anak ng Mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, Masayang Nagdiwang ng 3rd Birthday

Isa nga hinahangaang celebrity couple sa showbiz ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na talaga namang bagay na bagay sa isa’t isa. Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa noong 2011 at sa pagsapit ng taong 2014 ay nagkahiwalay ang dalawa. Ngunit, tila sila talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa dahil noong 2016 nga ay muling nagkabalikan at hindi na sila nagkahiwalay pa. Naging matatag nga ang kanilang relasyon bilang magkasintahan at ang lahat ng pagsubok na dumaan sa kanilang pagsasama ay kanilang napagtagumpayan.




At noong January 2017 nga, ay na-engaged na sila kung saan sa pagsapit ng August 2017 ay sinalubong nila ang pagdating ng kanilang panganay na anak na si Alas Joaquin. At matapos nga ang isang taon nang isilang ni Kylie si Alas ay itinuloy na nila ang kanilang pag-iisang dibdib noong December 11, 2018 na ginanap sa Villa Milagros sa Rizal.

Samantala, ang pagdating ni Alas sa kanilang buhay ang mas lalong nagpatibay ng kanilang pagsasama na kung saan ay mas lalong naging masaya at makulay. Tila kaybilis naman ng paglipas ng panahon dahil ang cute na baby Alas noon ay tatlong taong gulang na ngayon. Parang kailan lang ng isilang ni Kylie si Alas at kamakailan nga ay nagdiwang ito ng kanyang kaarawan.

Noong August 4 nga, araw ng Martes, ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Aljur at Kylie ang kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Alas Joaquin. Bagama’t, nasa gitna ng ipinapatupad na MECQ sa Metro Manila upang maiwasan at labanan ang COVID-19, hindi ito naging hadlang upang magkaroon ng isang masayang selebrasyon para sa kaarawan ni Alas.

Nagkaroon nga ng isang Moana-themed Birthday party si Alas para sa kanyang ika-3rd Birthday. Makikita na masayang-masaya ang panganay nina Aljur at Kylie sa kanyang espesyal na araw.




Samantala, nagpaabot naman ng pagbati sa Instagram si Kylie sa kanyang mahal na panganay na kung saan mababakas sa mensahe ng aktres ang pagmamahal sa anak.

“Happy 3rd birthday my panganay. Mahal na mahal ka namin.”

Maging ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ay binati rin ang kanyang apo at nagbigay komento sa naturang post ni Kylie.

“Maligayang kaarawan apo. Amen”.

Talaga namang napakasaya ng pamilya nina Kylie at Aljur na punong-puno ng pagmamahal. Maliban naman kay Alas ay may isa pa silang anak. Siya nga si Baby Axl Romeo na ipinanganak ni Kylie noong December 2019.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments