Ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima, Labis ang Kaligayahan sa Natanggap na Surpresang Bagong Sasakyan mula sa Anak

Ang ating mga magulang ang nagbigay sa atin ng buhay sa mundong ating ginagalawan. Sila rin ang nagpalaki at humubog ng ating pagkatao upang maging mabuting mamamayan. Kaya naman, lahat ng pagsasakripisyo nila simula sa pag-aaruga at pagpapalaki sa atin ay karapat-dapat lang nating suklian. Ang mabigyan nga sila ng kaligayahan ay sapat na upang mapadama natin ang ating pagmamahal sa kanila.




Hindi nga binigo ng aktor na si Gerald Anderson na mabigyang kaligayahan ang kanyang inang si Evangeline Opsima matapos itong surpresahin ng aktor. Wala mang mahalagang okasyon o selebrasyon, at hindi rin kaarawan ng kanyang ina ngunit nagawa niyang pasayahin ito sa pamamagitan ng kanyang surpresa.

Ang nakakaantig ngang kaganapan sa surpresa ni Gerald sa kanyang ina ay ibinahagi niya sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel.

Ayon nga kay Gerald, ay nais niyang bigyan ng kasiyahan at surpresa ang ina sa munting hiling nito. Dahil nga, ang kanyang ina ang nagbibigay rin ng motivation sa kanya upang paghusayang lalo ang trabaho, hindi nag-atubili ang aktor na pagbigyan ang kahilingan nito.

Hindi basta-bastang surpresa lang ang handog ni Gerald sa kanyang ina dahil ito’y isang bagong sasakyan na ipinadeliver pa mismo sa tahanan nila sa kanilang probinsiya at may kasama pa itong bouquet ng bulaklak.

Sa una, ay tila ayaw tanggapin ng ina ni Gerald ang bouquet dahil nga hindi nito kilala kung sino ang nagpadala. Ngunit, nang makita ang nakaparadang napakagandang sasakyan na may pulang ribbon, ay agad napagtanto ni Mommy Evangeline na ito ay mula sa kanyang anak na si Gerald.

“Oh really? That’s from my son! That’s from Gerald!”,

saad nito na naging emosyunal at halos hindi makapaniwala.

Dahil sa sobrang pagkabigla at hindi makapaniwala, ang ina ni Gerald ay naging emosyunal at naiyak pa sa labis na kaligayahan. Ayon naman kay Mommy Evangeline, ang hiling lamang niya sa anak ay isang multicab ngunit ang ibinigay nito ay isang napakagandang sasakyan.




Laking pasasalamat nga ni Mommy Evangeline sa surpresa ng anak dahil kahit hindi niya kaarawan ay napaligaya siya nito. Ayon naman kay Mommy Evangeline, alam niyang walang pera ang kanyang anak ngayon dahil nga sa pagkawala ng trabaho matapos magsara ng ABS-CBN, ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin ni Gerald na ibigay ang kanyang kahilingan, na kung saan ay higit pa sa kanyang inaasahan.

Dahil nga, sa kabutian at pagmamahal ni Gerald sa kanyang ina, maraming netizens ang humanga at nagbigay ng positibong komento sa aktor.

“That only shows how nicely he was raised by his Mom. BRAVO Gerald!”

“Whatever you did or what they say about you.. if you’re a good son, you’re a good son. It’s important that we make our parents happy.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments