Rodjun Cruz, Nabashed Dahil sa kanyang Kaka-Tiktok, Samantalang ang kanyang Asawang si Dianne Medina daw ay Puro Trabaho ang Pinagkakaabalahan

Hindi naman lahat ng nangyayari sa buhay natin ay kailangang nakalahad at makikita sa ating mga social media accounts. May ilan nga na mas pinipiling ibahagi lamang ang ilang mahahalagang okasyon sa buhay nila o kaya naman, ay mga bagay na nagpapasaya sa kanila.

Ngunit, bilang isang sikat na artista, halos lahat ng mata ng publiko ay nakatuon na sa buhay at social media nila. Kaya naman, ang akala ng ilang mga tagahanga, kung ano lang ang nakikita sa social media ay ‘yun lang din ang ginagawa sa buhay nila.



Dahil nga sa pag-aakala ng isang netizen na wala ng ginawa kundi ang mag-Tiktok ang Kapuso actor at dancer na si Rodjun Cruz, ay nabashed ang aktor. Alam naman nating lahat na isang mahusay na dancer si Rodjun, at sa pamamagitan nga ng Tiktok ay mas lalo pa niyang ipinapamalas ang kanyang talento sa pagsayaw. Mapapansin nga sa kanyang mga social media accounts na madalas siyang magbahagi ng kanyang mga Tiktok videos kung saan makikita ang kahanga-hangang talento ng aktor.

Ngunit, tila may hindi natutuwa sa ginagawang ito ng aktor. Ito nga ay matapos punahin ng isang netizen na mas marami pa raw ang panahon nito mag-Titktok, samantalang ang asawa umano nitong si Dianne ay palaging abala sa trabaho kahit pa ipinagbubuntis ang panganay nilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on

Tila nais iparating ng basher na si Dianne lamang ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya, samantalang si Rodjun naman ay puro pasarap lang sa buhay ang alam.

Ito nga ay matapos mapansin ng basher na maraming nakapost na Tiktok videos sa Instagram ni Rodjun, samantalang sa Instagram naman ni Diane ay halos may kaugnayan sa trabaho ang makikita rito. Sa isang post nga ni Diane kung saan makikita ang kanyang work station sa kanilang tahanan, ay matapang na nagkomento ang netizen na may user na si @maribethlayon. Dagdag pa ng basher na ito, ay baka daw walang proyekto ang aktor ngayon kaya, puro Tiktok na lang ang ginagawa nito.

“I noticed you’re the only one who keeps working and your hubby is just doing TikTok everyday”.



Hindi naman nag-atubiling sumagot si Dianne sa patutsada ng basher, at sinagot ito ng malumay. Ayon nga sa aktres, ay responsable at masipag na asawa si Rodjun. At ginagawa ng aktor ang lahat para sa kanilang anak. Ngunit, hindi lang daw umano ito mahilig magpost ng mga ganung bagay.

Photo credits: Dianne Medina | Instagram

Ipinaliwanag rin ni Dianne na kahit nag-titiktok si Rodjun ay bayad rin naman ang kanyang asawa at may mga endorsements rin daw ito.

“May bayad TikTok niya and IG posts and he has a lot of endorsements. Humble lang kasi asawa ko,”

pagtatanggol ni Dianne sa asawa.

source: bandera


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments