Kilalanin ang mga Anak ni Bossing Vic Sotto at Alamin ang mga Pinagkakaabalahan sa Buhay

Kilala si Vic Sotto sa industriya ng showbiz bilang mahusay na aktor, komedyante at host ng Eat Bulaga. Binansagan rin siyang Bossing dahil na rin sa kanyang ipinamalas na kabutihang loob at pagiging matulungin sa programang Eat Bulaga.

Hindi naman maikakaila ang taglay na kagwapuhan ni Bossing lalo na noong kabataan niya kung kaya’t marami siyang napa-ibig na mga kababaihan. Nagkaroon nga ng mga anak sa iba’t ibang babae si Bossing ngunit hindi naman niya pinabayaan ang mga ito, bagkus ay ipinakita parin ni Bossing ang pagiging isang responsable at mabuting ama sa kanyang mga anak.



Samantala, hindi tulad ng kanilang ama na pinasok ang showbiz bilang artista, karamihan sa mga anak ni Bossing ay mas pinili ang landas na malayo sa mundo ng showbiz.
Isa-isa natin silang kilalanin at alamin ang mga landas na tinahak nila sa buhay.

Danica Sotto

Si Danica ang panganay na anak ni Bossing Vic sa dati niyang asawang si Dina Bonnevie. Tulad ng ama, ay sinubukang pasokin ni Danica ang showbiz noong teenager pa lamang siya at nakasama niya nga sa isang sitcom ang kanyang ama. Ngunit, nagpasya rin siyang iwan ang larangan ng pag-arte ng maikasal siya sa mahusay na basketball player na si Mark Pingris.

Photo credits: google.com   

Pinasok rin ni Danica ang pagnenegosyo kung saan nagtayo siya ng restaurant ngunit hindi ito naging matagumpay. At ngayon nga, maliban sa pagiging hands-om mom sa kanilang mga anak ni Mark, ay abala rin si Danica bilang isang Youtube vlogger at host ng isang cable lifestyle show.

Oyo Boy Sotto

Si Oyo naman ang pangalawang anak ni Bossing Vic Sotto sa dating asawang si Dina Bonnevie. At gaya ng ama, ay pinasok ni Oyo ang showbiz kung saan nagkaroon siya ng maraming proyekto bilang mahusay na artista. Kadalasan naman niyang kasama sa mga programa at pelikula ang kanyang amang si Vic. Samantala, ang napangasawa naman ni Oyo ay ang napakagandang actress na si Kristine Hermosa kung saan ay biniyayaan sila ng apat na anak.

Photo credits: google.com

At ngayon nga, maliban sa pagiging mabuting haligi ng tahanan ay abala rin si Oyo sa kanyang trabaho bilang artista kung saan ay kabilang siya sa cast ng “Daddy’s Girl” na mapapanood sa GMA. May pinagkakaabalahan rin siyang negosyo na Bicycle shop at isang coffee shop na matatagpuan sa Alabang.

Vico Sotto

Ang gwapo at makisig na anak naman na ito ni Bossing ay anak niya sa dating co-host ng Eat Bulaga na si Coney Reyes. Hindi naman katulad ng kanyang mga nakakatandang kapatid na pinasok ang showbiz, mas pinili ni Vico ang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Nakapagtapos nga siya ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University noong 2011 kung saan ay kumuha siya ng kursong Bachelor of Laws. Ipinagpatuloy naman ni Vico ang nasimulan sa pag-aaral at kumuha pa ng Masteral Degree sa Ateneo School of Government noong 2018.

Photo credits: google.com

Samantala, pinatunayan naman ni Vico ang kanyang sarili sa paglilingkod sa bayan. At noong 2016 nga, naging bahagi siya ng Sangguniang Panlungsod or City councilor of Pasig. At ngayon nga, ay hinahangaan siya ng mga mamamayan ng Pasig sa kanyang husay at diskarte sa pamamahala sa kanyang nasasakupan bilang Mayor ng Pasig. Ito nga ay matapos niyang magwagi noong 2019 Election bilang Mayor ng Pasig.



Paulina Sotto

Ang pang-apat na anak naman ni Bossing Vic na si Paulina ay anak niya sa dating nakarelasyon na si Angela Luz. Si Paulina naman ay may kahanga-hangang talento pagdating sa art na kung saan ay namana niya sa kanyang grandfather na si Arturo Luz, isang National Artist. Labis ngang ipinagmamalaki ni Bossing ang anak na si Paulina na kung saan ay nakasuporta sa pangarap ng anak.

Photo credits: google.com

Talitha Sotto

Si Baby Tali naman ang bunsong anak ni Bossing sa bago niyang asawang si Pauleen Luna. Ang napakacute na si Baby Tali nga ang nagbibigay saya at kulay sa buhay ngayon ni Bossing. At sa bawat milestone nga ni Baby Tali ay palaging nakasuporta si Bossing, kasama ang asawang si Pauleen na proud na proud sa kabibohan ng kanilang anak.

Photo credits: google.com


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments