Santino, Binatang-Binata na! Proud na Ipinakilala ang kanyang Non-showbiz Girlfriend

Ang childstar na kinagiliwan natin noon sa telebisyon na si Santino o Zaijian Jaranilla sa totoong buhay ay ating hinangaan ang talento sa pag-arte sa teleseryeng “May Bukas Pa”. Sa murang edad ay ipinamalas na ni Santino ang kanyang natatanging galing sa pag-arte. Kaya naman, marami sa kanyang mga tagahanga ang talagang naantig ang mga puso habang pinapanood siyang umarte. Nasilayan rin natin si Santino sa programang Goin Bulilit kung saan ipinamalas naman niya ang pagiging isang bibong bata.




Tila kaybilis naman ng paglipas ng panahon, dahil ang Zaijian Jaranilla na ipinanganak noong August 23, 2001 ay nalalapit nang magdiwang ng kanyang ika-19th Birthday sa darating na araw. Hindi na nga mapipigilan pa ang paglaki ng napakacute na batang may maamong mukha noon na nagpaantig sa ating mga puso.

At ngayon nga, ay isa na talagang ganap na binata si Santino. Hindi lamang pisikal na kaanyuan ang nabago sa dating childstar, kundi pati na rin ang puso nitong handa ng umibig. Dahil nga, binata na at may angking gwapong mukha, hindi nakapagtataka na ang inidolo nating childstar noon, ngayon ay may girlfriend ng iniibig.

Proud na proud nga si Santino o Zaijian sa kanyang napakagandang non-showbiz girlfriend na minamahal niya ng labis. Agaw-pansin ang mga sweet na larawan ng magkasintahan sa social media. Sa programang “Tonight With Boy Abunda” nang makapanayam ang dating childstar sinabi nito na, masaya siya sa relasyon nila ng kanyang girlfriend. Hindi nga maikakaila na talagang nag-matured na si Santino at marunong na nga itong umiibig.

Tila naman going strong ang relasyon ng dalawa dahil kamakailan lamang nang magdiwang sila ng kanilang anibersaryo bilang magkasintahan. Makikita naman ang pagiging sweet ni Santino sa kanyang girlfriend at noong araw nga ng kanilang anibersaryo ay may handog na sweet message si Santino sa kanyang girlfriend kung saan nilakipan ng sweet photo nilang dalawa. Hindi maikakaila na mahal na mahal ng young couple ang isa’t isa na kitang-kita naman sa kanilang kasweetan.




Talaga namang ang napakacute na batang si Santino ay isa nang ganap na binata ngayon at pinatunayan na kaya na niyang magmahal ng taong magbibigay sa kanya ng kaligayahan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments