Rodjun Cruz, Ibinahagi ang Throwback Video ng Commercial ng Milo nila ng Kapatid na si Rayver Cruz

Napakasarap naman talagang sariwain at balikan ang mga masasayang ala-ala na nabuo mula sa ating kabataan. At sa tuwing makikita natin ang larawan o video ng ating masayang karanasan ay kakaibang kaligayahan ang hatid nito sa atin.




Napa-throwback nga ang ilang celebrities matapos magbahagi ng aktor na si Rodjun Cruz sa kanyang Instagram ng video ng commercial ng isang chocolate drink kung saan nakasama niya ang kanyang kapatid na si Rayver Cruz.

“Throwback muna sa aming Milo commercial ni @rayvercruz!”

saad ni Rodjun sa caption ng kanyang post.

“Naalala niyo pa ba ito guys? #MiloBoys #CruzBrothersRepresent,”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on

dagdag pa ng aktor sa kanyang post.

Makikita sa video na talagang batang-bata pa ang Cruz brothers. Kaya naman, matapos ipost ni Rodjun ang naturang video ay marami ang nakarelate dito. Kabilang na rito ang ilang celebrity friends ng aktor. Ang ilan nga ay napabalik-tanaw rin sa kanilang masayang kabataan noon. May ilan naman na nagsabi na naaalala nga nila ang commercial ng Milo na sina Rodjun at Rayver ang gumawa.

Maging ang mga netizens ay naaliw rin sa throwback video na pinost ni Rodjun, ay tila ngayon lang nila napagtanto na ang gwapong magkapatid palang sina Rodjun at Rayver ang mga cute na batang napanood nila sa commercial ng Milo. At ilang nga ay nag-iwan ng komento na:

“Ang gu-gwapo naman!”
“Sana merong adult version ‘to.”
“Ang cute ni Rayver! Chubby face… Ang astig at gwapo naman ni sir Rodjun…”
“In fairness, gwapo na sila simula bata pa.”
“Oh wow old school!”
“This is the reason why you became my childhood crush.”
“Ahhh kayo pala yun!”

Dahil sa madami ang nakaalala at nakarelate ng throwback video ng magkapatid ay umabot na ito ng halos 68,000 views magmula ng ipost ng aktor sa kanyang Instagram.




Ang magkapatid na Rodjun at Rayver ay mga kilalang artista sa showbiz at mas lalo namang nakilala dahil sa kanilang kahanga-hangang husay sa pagsayaw. Si Rodjun ay nalalapit ng maging ama sa anak nila ng asawang si Dianne Medina. Samantalang si Rayver naman ang ineenjoy pa ang buhay pagkabinata at abala sa kanyang mga proyekto.

Nagsimula ang Cruz Brothers sa kanilang karera bilang host ng children’s magazine show na 5 And Up sa ABC na kalaunan ay naging TV5.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments