Actress na si Bianca King, Goodbye Showbiz, Hello Australia na nga Ba?

Marami ang naiintriga ngayon sa post ng aktres at vlogger na si Bianca King sa Instagram matapos nitong magpost ng tila pagpaparamdam na lilinasin na niya ang showbiz at Pilipinas upang manirahan sa Sydney, Australia.
Marami nga sa kanyang mga tagahanga ang agad na nabahala sa kanyang post na nilakapin ng larawan ng kanyang kusina kung saan siya gumagawa ng content para sa kanyang cooking vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.




“Something I won’t get to do anymore ever… shoot videos in this kitchen. Will miss the comfort of creating content with friends in this house that sparked so much creativity,”

panimula ng aktres sa kanyang post.

“I’m moving on and starting a new chapter. Maybe a different kitchen in a different home? @gabbycantero_ come to Sydney?”

dagdag naman ni Bianca sa kanyang caption na tuluyan nang nagbigay ng ideya sa kanyang mga tagahanga ng kanyang nalalapit na pag-alis sa Pilipinas upang manirahan sa Sydney, Australia.

Hindi naman naiwasan ng kanyang mga tagahanga ang mag-react at magbigay ng komento sa naturang post ni Bianca.

Ayon nga sa komento ng may username na @arriannemeg, “OMG. I will miss your kitchen! and your pretty bedroom.” Agad naman itong sinagot ni Bianca ng:

“my next home will be just as pretty.”

Ayon naman kay Bianca, ay hindi naman siya mawawala at mamimiss ng kanyang mga tagahanga dahil palagi naman siyang magbibigay ng update sa Instagram at sa kanyang vlog.
Ang nalalapit ngang pag-alis ni Bianca sa Pilipinas ay kapag natapos na ang kinakaharap na pandemya sa bansa kung saan malaya ng makakabiyahe at ligtas na sa virus.

“I’m just waiting for the borders to open. I’m still here but will fly back when it’s safe.”

Samantala, marami naman sa tagahanga ni Bianca ang nagpaabot ng mensahe sa aktres at ang tanging hangad ay magandang buhay nito sa Australia.
Ito na kaya ang hudyat ng pamamaalam sa showbiz ng aktres?




Nagsimula si Bianca sa kanyang karera sa edad na 13 taong gulang bilang commercial model. Hanggang sa tuluyan nang nadiskubre ang kanyang talento sa pag-arte. At ang programang “Click”, ang una niyang naging proyekto kung saan ipinamalas niya ang taglay na talento sa pag-arte. Higit ngang nakilala si Bianca sa telerseryeng “Mulawin” na napanood noon sa GMA bilang Aviona.

Marami pang mga proyektong ginawa si Bianca sa showbiz na ipanamalas ang kanyang natatanging talento sa pag-arte. At ang huli niyang proyekto sa telebisyon bago dumating ang pandemya ay ang teleserye ng ABS-CBN na “Pusong Ligaw” kung saan gumanap siya bilang Margarette “Marga” Dimaawa. At ngayon nga habang wala pang trabaho sa showbiz ang aktres ay abala siya ngayon sa kanyang cooking vlog kung saan nakakasama niya ang mga kilalang artista sa kanyang kusina, ito ay mapapanood naman sa kanyang Youtube Channel.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments