Silipin ang Napakacute na Anak nina Drew Arellano at Iya Villania na si Baby Alana sa Suot nitong Peach Princess Outfit

Matatandaan na noong July 18, 2020, ipinanganak ng TV Host at actress na si Iya Villania ang nag-iisang prinsesa nila ng kanyang asawang Drew Arellano na si Baby Alana Lauren Arellano. At si Baby Alana nga ang lalong nagpasaya at nagbigay kulay sa pamilya Arellano. Masayang-masaya rin ang mga kuya ni Baby Alana nang masilayan ang kanyang napakacute na mukha.



Samantala, hindi naman matatawaran ang kaligayahan ng mag-asawang Drew at Iya sa pagdating ni Baby Alana sa buhay nila. At bilang bunsong anak at nag-iisang babae sa pamilya, ay talagang excited ang mag-asawa na alagaan si Baby Alana. Dahil nga, ngayon lang sila nagkaroon ng babaeng anak ay proud na proud sila sa napakacute nilang munting anghel.

Photo credits: Drew Arellano | Instagram 

At kamakailan nga, Agosto 24, araw ng Linggo, ay proud na proud si Daddy Drew na ibinahagi ang napakacute na larawan ni Baby Alana sa social media habang nakasuot ng isang Peach Princess dress. Ang kasuotan ngang ito, ay hango sa karakter ng prinsesa sa Super Mario Bros.

Photo credits: Drew Arellano | Instagram

Hindi maikakaila na bagay na bagay kay Baby Alana ang kasuotan ng isang prinsesa lalo na ang munting korona na ginawang headband sa ulo niya.

Samantala, makikita sa ilang larawan na tila hindi komportable si Baby Alana sa suot niya sapagkat hindi nila mahuli ang ngiti nito. Ngunit, hindi naman maitatanggi na napakacute tingnan ng inosenteng bata sa suot niyang makulay na damit ng isang prinsesa.



Nilakipan naman ni Daddy Drew ang post niya ng caption na:

“ Hmmm. What is this I’m feeling. aaah yes. My folks letting me strut this hideously uncomfortable CUTE princess peach dress and try to make me smile for the camera. It ain’t gonna happen so please! Get me out of hyeeere!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on

Hindi naman napigilan ng mga netizens ang humanga at purihin ang napakacute na si Baby Alana sa suot nitong Peach Princess Dress. At nagbigay pa ang mga ito ng mga positibong komento. May nagbigay naman ng suggestion na sana raw ay magkaroon ng pictorial ang magkakapatid kasama sina Primo at Leon upang mabuo ang mga karakter sa Super Mario Bros.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on

Matatandaan na kamakailan lamang ng magdiwang ng 1st Month Birthday si Baby Alana. Tila kaybilis nga ng panahon at ang paglaki ni Baby Alana ay hindi namamalayan. Masaya at nag-eenjoy naman ang mag-asawang Drew at Iya sa pag-aalaga sa kanilang nag-iisang prinsesa.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments