Seksi-actress Ivana Alawi, Sinurpresa ang Kapatid na si Mona ng Isang Laptop sa Kaarawan nito, Matapos ang kanyang Hide and Seek Prank rito

Patok na patok nga ngayon ang prank content sa mga vlog ng mga vlogger na naghahatid sa atin ng saya. Katulad na lamang ng seksi actress at vlogger na si Ivana Alawi na madalas magsagawa ng prank sa kanyang mga vlog. At ngayon nga, muli na namang ipapamalas ni Ivana ang galing niya sa pagpaprank. Sa pagkakataong ito ang biktima ay ang kapatid niya na si Mona, ngunit may maganda palang motibo si Ivana sa kanyang prank. Ito nga ay upang surpresahin ang kapatid sa kaarawan nito.

Isa ngang matagumpay na “Hide and Seek prank”, ang naisagawa ni Ivana sa kanyang kapatid kung saan kasabwat ng aktres ang kanyang Mommy Fatima at kapatid na si Hashim.
Matagal na ngang nais ni Mona na maglaro ng Hide and Seek kaya naman, pinagbigyan ni Ivana ang hiling ng kapatid sa mismong araw ng kaarawan nito. Ngunit, lingid sa kaalaman ni Mona ay may inihanda palang supresa ang kanyang Ate Ivana para sa kanyang kaarawan.



Bago naman magsimula ang laro, napagdesisyunan ni Ivana na magbigay ng P30,000 na premyo kay Mona kapag nahanap sila ng kanyang kapatid. Excited na ngang magsimulang maglaro si Mona, kaya naman, bilang seeker ay nagsimula na itong magbilang hudyat ng paghahanda nina Ivana sa pagtatago.

Ngunit, sa halip na magtago sa loob ng bahay ay lumabas sina Ivana at sa loob ng kotse magkakasamang nagtago. Matapos naman ang pagbibilang ni Mona ay agad na nitong hinanap sina Ivana. Nagsimula sa first floor ng bahay sa paghahanap si Mona, ngunit hindi niya nakita ang hinahanap. Nagpatuloy naman ito sa paghahanap sa 2nd floor ngunit sa kasamaang palad, ni anino ng hinahanap ay hindi niya nasilayan.
Samantala, sa pagsapit ni Mona sa 3rd floor ng bahay, ay siya namang pag-alis nina Ivana upang bumili ng pagkain sa drive-thru upang maibigay naman kay Mona bilang ganti.

Tila naman nakaramdam na si Mona sa ginagawang prank ng kanyang ate. At halos maiyak na ito sa kalungkutan dahil hindi man lang niya makita ang kanyang hinahanap. Inisip na nga ni Mona na napagkatuwaan siya sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel    

Nang makabalik naman sina Ivana sa kanilang tahanan ay agad na tinawagan ng aktres ang kapatid kung sino na ang nahanap nito. Mababakas naman sa tinig ni Mona ang kalungkutan dahil sa kabiguan na hindi makita sina Ivana. Kaya naman, upang taposin ang prank ay pinalabas ni Ivana ang kapatid at sinabi na “It’s a prank”.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel



Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Ngunit, hindi pa dito nagtatapos ang saya, dahil nga may surpresa pa si Ivana kay Mona para sa kaarawan nito. Pinabuksan nga ng aktres ang pinto ng kotse at bumungad kay Mona ang mga lobo, at nakita nga si Mona ang isang napakagandang laptop na matagal na niyang hinahangad upang magamit sa school at sa vlogging.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Labis naman ang tuwa ni Mona sa handog na surpresa ni Ivana.



Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

At ang lungkot na nadarama sa dulot ng prank, ay napalitan naman ng saya ng bago at napakagandang laptop na regalo ng kanyang Ate Ivana.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments