The Voice Kids Season 1 Grand Winner Lyca Gairanod, Naging Emosyunal Matapos Bumisita sa Dati niyang Tirahan

Kung galing at husay sa pag-awit ang pag-uusapan tiyak na hahangaan ang magandang tinig ng 15 taong gulang na singer na si Lyca Gairanod. Una nga nating nasaksihan at narinig ang maganda niyang tinig sa singing competition na “The Voice Kids”. Dahil nga sa kanyang angking talento sa pag-awit ay matagumpay niyang nakuha ng titulo ng kompetisyon bilang Grand Winner. At si Lyca Gairanod nga ang kauna-uhanang The Voice Kids Grand Winner Season 1 noong 2014.



Nagmula sa mahirap na pamilya si Lyca, nakatira sa isang bahay na malapit ng masira at ilang ulit na ring nag-evacuate sa tuwing may bagyo. Ang makain ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na sa kanyang pamilya noong upang makaraos sa araw-araw. Ngunit, magmula nang manalo siya sa “The Voice Kids,” ay napakalaki ng ipinagbago ng buhay niya.

Ngunit, sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ay hindi parin nakakalimot si Lyca sa kanyang pinagmulan. At sa kanyang latest vlog nga, sinabi niya na ang puso niya ay mananatili sa bahay niyang nakatayo sa dagat dahil dito na siya lumaki at bumuo ng masasayang alaala.

“Marami akong pinagdaanan dati. Nakita niyo naman ‘yung istorya ko. Nag-‘MMK’ ako dati. Maramin akong paghihirap na naranasan sa buhay ko. Dito na rin talaga ako lumaki,”

pahayag ni Lyca.

Ayon pa kay Lyca, ay hindi niya makakalimutan ang lugar kung saan siya nanggaling. Marami man ang hirap na kanyang naranasan sa bahay nila. Nanaisin parin niyang bumalik sa lugar at dito tumira.
Inalala naman ni Lyca ang mga panahon kung saan nakikipagsapalaran sila sa tuwing may bagyo. Matinding hirap ang nararanasan nila sa tuwing mag-eevacuate. Dahil kahit raw nasa evacuation center na, ay nasa isip parin niya ang naiwang bahay sa gitna ng bagyo.



Samantala, naging emosyunal naman si Lyca sa pahayag ng kanyang Lola, na talaga namang malaki rin ang pagpapahalaga kay Lyca at sa munting bahay.

“Si Lyca noon, mahirap. Ako nagpalaki dito. Itong apo ko ang nagpaunlad sa amin dito. Sinasabi ko sa inyo, itong bahay na ibinigay niya sa akin, dito ako mamamatay. Hindi ako aalis dito, maski sino pa ang magpapaalis.”

Hindi naman maitatanggi na kahit mahirap ang buhay ay patuloy na lumalaban ang pamilya ni Lyca. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ni Lyca sa nakakaantig na mensahe ng kanyang Lola.

Sinabi naman ni Lyca na ang kanyang lola ang nag-alaga at naglaki sa kanya, dahil abala umano ang ina niya sa pagtatrabaho upang mapakain silang magkakapatid.

“Kasi kay lola talaga ako lumaki. Siya ‘yung laging kasama ko noong bata pa ako. Siya ‘yung laging nag-aalaga sa akin kasi si mama nagta-trabaho para makakain din kami ng maayos.”

 


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments