Tingnan: Mga Throwback Photos ni Sunshine Cruz ng kanyang Kabataan, Kamukhang-kamukha ng Kanyang mga Anak

Marami na ang nagpatunay sa kasabihang “like mother, like daughter”, na kung saan ay may ibig sabihin na halos katulad na katulad ng ina ang kanyang anak. May ilan na ikinukumpara ang anak sa ina sa ugali, pananamit at hilig. Ngunit, ang higit na madalas gamitan ng kasabihang ito ay ang pagkakahawig ng mukha ng ina sa kanyang anak. Tila nga, para sa kambal o halos magkamukhang-magkamukha ang kasabihan na ito.




Sa mga celebrities sa industriya ng showbiz ay may maituturing rin na “like mother, like daughter”.

Photo credits: sunshinecruz | Instagram 

Isa na nga rito ang mag-iinang Cruz na sa unang tingin pa lang ay makikita na ang kanilang pagkakahawig. Hindi nga maitatanggi na ang mukha ng napakagandang aktres na si Sunshine Cruz, ay namana ng kanyang tatlong anak na sina Angelina, Samantha at Chesca. Ang mga magagandang anak na ito ni Sunshine ay anak niya sa dating asawa na si Cesar Montano.

At noong August 21, araw ng Biyernes, ay mas lalong pinatunayan ni Sunshine na kamukha niya ang kanyang mga dalagang anak, matapos magpost ang aktres sa Instagram ng throwback photos niya noong kabataan niya.

“Some old photos worth sharing❤️Swipe ⏪ *Thanks for enhancing the photos @bryanmags,”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

pahayag sa caption ng post ng aktres sa Instagram.

At matapos ngang makita ng mga netizens ang mga larawan ng aktres noong kabataan niya, ay agad umiiral ang mga mapanuring mata ng mga netizens. Marami nga ang nakapansin na ang isa sa mga larawan ay kahawig na kahawig ng kanyang panganay na anak na si Angelina. Makikita nga sa larawan na tila pinagbiyak na bunga ang mag-ina. Na kung saan ay aakalain na si Angelina ang nasa larawan at hindi si Sunshine.




“I thought it’s Angelina.” “Kamukhang kamukha ni @angelinaisabele,”

saad ng naturang netizen.

May mga netizens naman na nakapansin sa pang-apat na larawan ni Sunshine na kamukha naman siya dito ng mga anak niyang sina Samantha at Cheska.

“Samantha looks like you in the 4th pic ❤.”
“Looks like the youngest❤.”

Photo credits: sunshinecruz | Instagram

Samantala, saad naman ng isang netizen ay kahawig lahat ni Sunshine ang kanyang tatlong magagandang anak sa mga larawan na kanyang ibinahagi.

“I saw all your kids on those old photos of yours😍 lahat pala sila khawig mo po.”

Tunay nga na dugong Cruz ang dumadaloy sa mga ugat ng mga anak ni Sunshine dahil hindi maitatanggi na namana ng mga ito ang angking kagandahan ng kanilang ina.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments