Carmima Villaroel, Inamin na Muntik na silang Maging Magkasintahan ng Aktor na si Piolo Pascual noong Kabataan nila

Noong August 15, ay masayang nagdiwang ng kaarawan ang aktres na si Carmina Villaroel sa pamamagitan ng isang virtual birthday celebration. Kasabay nito ang pagbalik tanaw ng aktres sa kanyang mga masasayang karanasan sa showbiz. At isa nga sa binalikan ng aktres ay ang naudlot nilang relasyon ng Kapamilya Hunk actor na si Piolo Pascual, matapos mabanggit kung gaano sila kaclose noon.
At dahil nga sa sobrang close nila sa isa’t isa ay muntik na raw silang maging magkasintahan.




Nagsimula ang pagiging malapit nina Carmina at Piolo sa isa’t isa sa teleserye ng Kapamilya Network na Esperanza na kung saan ay pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Judy Ann Santos. Taong 1997 hanggang 1999 umere at napanood sa telebisyon ang teleserye, kaya naman mahabang panahon ring nagkasama si Carmina at Piolo habang ginagawa ang serye. At sa loob nga ng mga panahong iyon ay naging malapit sila sa isa’t isa, at nahulog rin sa isa’t isa ngunit naudlot ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Photo credits: google.com

Sa virtual birthday celebration nga ni Carmina ay inasar ni Piolo ang aktres at sinabi:

“Close ba tayo? Sabihin mo sa kanila.”

Agad namang sumagot si Carmina, at inamin na muntik na nga silang magkaroon ng relasyon dahil sa sobrang closeness nila noon.

“Close tayo. Super close tayo. Sa sobrang close nga, muntikan na kaming maging kami! O, ano?”

Photo credits: google.com

Samantala, hindi man natuloy ang naudlot na relasyon nina Carmina at Piolo ay tila may maganda naman itong dahilan. Ayon nga sa kwento ni Piolo, kahit hindi naging sila ni Carmina ay may tao naman na nagkatuluyan dahil sa kanila. At ang tao ngang parehong malapit sa kanila na nagkatuluyan matapos ang double date ay ang kuya ni Piolo at best friend ni Carmina na Tessie.




Sina Carmina at Piolo nga ang naging tulay upang magkakilala ang dalawa at ngayon nga, ay mag-asawa ang mga ito na kung saan ay may mga teenager nang anak.

“I think, tayo ang naging tulay. If not for us, they wouldn’t had been able to meet each other and be husband and wife,”

reaksyon ni Piolo na sinang-ayunan naman ng aktres.

Samantala, tila ayaw pa ring tumigil ni Piolo sa pang-aasar kay Carmina at muling humirit ang aktor at sinabi:

Pero dapat tayo, di ba? Umamin ka.”

Photo credits: google.com

Ayon naman sa aktres, ay hindi raw kasi kulang na lang ay siya ang manligaw rito.

“Na ano, anong aaminin ko. Hindi. Ito kasi, eh, kulang na lang ako lumigaw diyan, eh,”

sagot naman ni Carmina.

At nang akmang magkwekwento pa si Piolo ay pinigilan na nito ni Carmina dahil tila nahihiya na ang aktres sa kung anong pinagdaanan nila noon habang ginagawa ang Esperanza.

“Okay na. Hanggang doon na lang ang Esperanza days. Hanggang dun na lang,”

pagtutol niya sa mga sasabihin dapat ni Piolo.

At makikita nga na nahihiya na si Carmina na pag-usapan ang nangyari noong kabataan nila matapos magkasama sa teleserye. At ngayon nga, ay naibunyag na ang rebelasyon nilang dalawa.

“Nahihiya lang ako dahil kinukuwento natin ngayon.”

Samantala, si Carmina ay masaya na sa buhay ngayon sa piling ng asawang si Zoren Legaspi at kambal niyang anak na sina Cassy at Mavy. Si Piolo naman ay nananatiling masaya sa buhay sa kanyang pagiging single, ngunit sa kabila nito, ay naienjoy naman niya ang pagiging isang ama sa anak niyang si Iñigo Pascual.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments