Ang Kapuso actor at komedyanteng si Kevin Santos ay labis ang kaligayahan sa nakamit niyang tagumpay kamakailan. Maliban kasi sa pagiging isang license pilot ay natapos na rin ng aktor ang kinuhang kurso na AB Political Science sa Arellano University na kung saan ay nagtapos siya bilang Cum Laude.
Ngunit, sa tagumpay palang ito ni Kevin ay may mga taong naging tulay upang makumbinsi siyang ipagpatuloy ang pag-aaral at makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay. Malaki nga ang pasasalamat ng aktor sa mag-asawang sina Yasmin Kurdi at Rey Soldevilla Jr dahil ang mga ito ang nagsilbing instrumento upang taposin niya ang pag-aaral.
Ang asawa ni Yasmin na si Rey ay isang commercial pilot at ito ang naging gabay ni Kevin sa pag-aaral ng Aviation sa Flightline Aviation School sa Bulacan. At dahil sa pagsisikap ng aktor, ay nakakuha siya ng lisensya sa pagpapalipad ng mga private plane. Ayon naman kay Kevin, ay kukuha pa sana siya ng license para sa commercial pilot, ngunit hindi ito natuloy dahil sa ipinatupad na ECQ.
Samantalang ang aktres naman na si Yasmin, ang tumulong kay Kevin upang makapag-enroll at kumuha ng kurso sa Arellano University, kung saan nagtapos ng Cum Luade ang aktres. At pinili nga ni Kevin ang kursong AB Political Science kung saan pinatunayan niya na hindi pa huli ang lahat upang ipagpatuloy ang pag-aaral at nagtapos nga ang aktor ng Cum Luade.
Samantala, dahil nga sa pandemya ay hindi nagkaroon ng graduation si Kevin, bagay na nagbigay sa kanya ng kalungkutan lalo na’t kandidato siya sa pagka-cum laude. Dahil dito ay hindi niya maranasan ang maparangalan at matawag ang pangalan upang iabot ang diploma at karangalan.
“Nagkaroon kasi siya ng pandemic na kahit graduation rites namin, na-cancel. Kumbaga, kaming magkaklase… yun ang hinihintay namin, e. Ang makapagmartsa, abutan ka ng diploma sa stage, at meron ka pang bonus na Latin honors. Iyon ang pinakamasarap na mapi-feel mo after so many years na pag-aaral mo, para matapos lang itong kursong ito para makakuha ka ng diploma. So, para sa akin, nakakalungkot na hindi pa natin masisigurado kung ibibigay sa akin yun dahil sa pandemic na nangyayari.”
Ngunit sa kabila nito, ay masaya rin si Kevin sa nakamit niyang tagumpay dahil sa mahabang panahong pagtigil sa pag-aaral, sa wakas ay nakabawi na rin siya sa kanyang mga magulang.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Kevin sa mga kabataan ngayon na sumunod at makinig sa mga magulang na pag-igihan ang pag-aaral at magtapos ng pag-aaral dahil nasa huli ang pagsisisi. Mabuti na lamang, kahit nagpabaya si Kevin noong kabataan niya ay nabigyan parin siya ng pagkakataon na makapag-aral at makapagtapos.
“Trust me, mga bagets. Nasa huli ang pagsisisi. Kailangan ninyong tapusin ang pag-aaral ninyo. Makinig kayo sa magulang ninyo. Nung teen ko kasi, hindi ako nakikinig sa magulang ko. Pinagsisihan ko yun. Buti na lang, nakabawi ako. Kumbaga, hindi ko maaabot ang pangarap ko kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo. Kahit na anong mangyari, huwag kang bibitaw.”
Source: Ptama
0 Comments