‘Having a kid early doesn’t make you less of a woman’: Jennylyn Mercado, Ipinagtanggol ang mga Single Mom sa isang Netizen na nag cri-criticize sa mga Single Moms

Ang mamuhay bilang isang single mom ay hindi madali dahil doble ang responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat bilang magulang, ang tumayong ina at ama sa kanilang anak ng sabay. Napakahirap naman talagang magtaguyod at magpalaki ng anak lalo na kung walang katuwang sa buhay.



Ang kanilang pagiging single mom sa kanilang anak ang pinanghuhugutan nila ng lakas at nagsisilbing inspirasyon upang magpatuloy sa buhay at mapalaking maayos at mabuting anak ang kanilang mga anak.
Ngunit, sa kabila ng pagiging mabuting ina na ginagawa ang lahat upang maitaguyod mag-isa ang kanilang anak, may mga tao parin na minamaliit ang kanilang pagiging single mom.
Ang senaryong ito ang nag-udyok sa aktres na si Jennylyn Mercado upang magpahayag ng isang mensahe para ipagtanggol ang mga single mom na tulad niya matapos magpost ang isang netizen ng pangmamaliit sa mga single mom.

Alam naman natin na isa ring single mom si Jennylyn sa kanyang anak na si Alex Jazz na ipinanganak noong 2008, na anak niya sa dating kasintahan at aktor na si Patrick Garcia. Kung kaya’t ang makabasa ng isang post na may kaugnayan sa pangmamaliit sa mga single mom na tulad niya ay hindi niya binabalewala. Kaya naman, hindi pinalampas ng aktres ang post na ito ng netizens na nagsabing “respeto naman sa mga babaeng inanakan lang🤭🤭🤭 .”

Sa Twitter ni Jen, malaya niyang ipinahayag ang mensahe para sa mga single mom. Binigyang diin nga ng aktres na huwag magpapadala at magpapaapekto sa mga taong nagbibigay ng komento patungkol sa kanilang pagiging single mom.



“To all the single moms out there, never let comments like this get to you. Having a kid early doesn’t make you less of a woman. In fact it’s the opposite. Being a single parent made us stronger than ever. Mahirap maging nanay at tatay ng ating (mga) anak pero kinakaya natin.”

Ayon nga kay Jen, ang mga single mom ay matatag na babae at patuloy na pinapalaki ang kanilang anak sa abot ng kanilang makakaya. Kaya naman, sa mga taong patuloy silang minamaliit at kinukutya ang kanilang pagiging single mom ay hindi umano ang mga ito magtatagumpay na pabagsakin sila.

“And for those people na minamaliit pa rin kami hanggang ngayon, I feel so sorry for you. Lahat ng mga kritisismo sa pagkatao namin nasabi na samin, and yet here we are. Raising our kid(s) the best we can. Whatever you say, You can and will never bring a strong woman down”.

Sa huli, binigyang kalakasan rin ni Jen ang loob ng mga single mom, sa pamamagitan ng mensahe na nagsasabing ipagmalaki ang sarili sapagkat ang mga tulad niyang single mom ay mas matatag at malakas higit pa sa iniisip ng iba.

“Kaya always hold your head up high. We are more powerful than they think we are.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments