Maraming netizens ang napa-sana all matapos masilayan ang ganda ng tanawing matatanaw mula sa tahanan nina Doug Kramer. Nakakabignahi naman talagang makita ang tanawing hatid ng kalikasan tulad ng mga maniningning na bituin sa langit. Maging ang maliwanag na kalakawan ay napakaganda ring pagmasdan.
Ang magandang tanawin na hatid ng kalikasan ay nakakatulong sa atin upang makapag-relax na kung saan ay mararamdaman natin ang kapayapaan at katahimikan sa ating kapaligiran.
Always relaxing at palaging good vibes nga ang pamilya ni Doug Kramer dahil ang tanawin na masisilayan mula sa kanilang tahanan sa ay talagang “best view.” Mula nga sa kanilang tahanan ay makikita ang natural na ganda ng kalikasan pagsapit ng sunrise at sunset.
Sa gabi naman ay bubungad ang ganda liwanag na nagmumula sa mga bituin sa malawak na kalawakan. Maging ang mga city lights na nagmumula sa syudad ay matatanaw rin mula sa kanilang tahanan.
“Before we do the in depth house tour. Here’s the master balcony. It’s no accident we situated it with the best view of the house. The peacefulness, the sunset, seeing all the lights from several cities from Laguna to far QC makes it all worth it to come home from the daily stress from traffic.”
Isa nga sa ibinahagi ni Doug sa naggagandahang tanawin, ay ang ganda ng liwanag na nagmumula sa Metro Manila kasabay ng paglubog ng araw. Kahanga-hanga rin ang ganda ng Mt. Mariveles na katabi naman ng Manila Bay.
“City lights of the whole Metro Manila with a beautiful sunset! 🌇 Mt. Marivelles visible behind Manila Bay. 😍”
Dahil nga, malayong-malayo ang Metro Manila mula sa tahanan ng mga Kramer, ay hindi gaanong maaninag ng mabuti ang ganda nito. Ngunit, sa tulong ng napakagandang telescope na gamit ni Doug, bawat sulok at ganda ng tanawing hatid ng lungsod at maging magandang tanawin na mula sa kalikasan ay kitang-kita niya. Mas lalo ngang na-enjoy ni Doug ang kanyang pagtanaw sa napakagandang tanawin gamit ang telescope. Magagamit rin ito ng kanyang mga anak na sina Gavin, Kendra at Scarlet sa kanilang astronomy.
“Zoomed in perspective of the metro! Can also use it for astronomy for the kiddos. Enjoyed it with another beautiful sunset! 🌇😍”
Talaga nga naman napaka-relaxing sa tahanan nina Doug dahil sa bawat gising sa umaga ay sasalubong ang magandang tanawin na hatid ng sunrise at pagsapit naman ng gabi, bubungad naman ang ganda ng sunset at liwanag ng mga bituin mula sa kalangitan.
Marami nga sa mga netizens ang humanga sa ganda ng tanawing ipinasilip ni Doug, at ilan sa kanila ay napasambit na lang ng “sana all”.
“Sana all ganyan ang view… 🙏🙏🙏”
“Grabeeee! Dreamin’ of that! What a nice view. 😍😍😍”
Source: Ptama
0 Comments