Alessandra De Rossi, Inaming Paubos na ang Kanyang Perang Naipon sa Bangko at P18,000 na Lang ang Laman ng Bank Account

Ang premyadong aktres na si Alessandra de Rossi ay kilala sa industriya ng showbiz sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula. Ang isa nga sa pelikulang kanyang ginampanan na tumatak sa ating mga puso at nagpaluha sa ating mga mata ay ang “Through Night and Day” na kung saan ay nakasama niya ang aktor na si Paolo Contis. Marami ng nagawang pelikula si Alex na talagang ipinamalas ang kanyang angking talento sa pag-arte na hinangaan ng publiko.



Photo credits: Alessandra De Rossi | Instagram

Ngunit, magmula ng dumating ang pandemya ay nawalan na rin ng proyekto ang aktres. Ito nga ay dahil sa labis siyang nag-iingat at takot siyang mahawa ng sakit na COVID-19 kung kaya’t ang mga inaalok sa kanyang mga proyekto ay tinatanggihan niya.

Photo credits: Alessandra De Rossi | Instagram   

Inamin rin ni Alex na bago pa man dumating ang pandemya ay anim na shows at tatlong pelikula ang kanyang tinanggihang gawin noong nakaraang taon dahil sa ‘pangit na mensahe’ nito. At ang dahilan umano kung bakit hindi siya gaanong napapanood sa telebisyon at big screen ay dahil sa pagiging “choosy” niya pagdating sa mga gagampanang role.



Isa naman sa hinahangaan ng mga tagahanga ni Alex sa kanyang pagkatao ay ang pagiging prangka at totoo niya sa sarili. Matatandaan na inamin na ni Alex sa isang panayam na nakapagbenta na siya ng isang sasakyang dahil sa kawalan ng proyekto.

Photo credits: Alessandra De Rossi | Instagram

At ngayon nga, ay may muling inamin ang aktres sa panayam sa kanya sa ‘Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez’ nito lamang weekend. At ang rebelasyon nga ng aktres ay ang pagkaubos ng kanyang naipong pera sa bangko.

Photo credits: Alessandra De Rossi | Instagram

Sa paglalahad nga ng aktres, sinabi nito na ang kanyang bank account ay pa-bank rupt na at P18,000 na lamang ang laman nito.

“Of course, financially, walang pumapasok. ‘Yung bank account ko right now is pa-bankrupt na. I only have P18,000 in my account…”

Ibinahagi rin ni Alex ang mga hamon sa buhay na sabay-sabay dumating sa kanya ngayong pandemya. Isa na nga kanyang inaalala ang pagkakasakit ng kanyang ama sa Italya na kung saan ay ilang ulit ng naoperahan.

“At the same time, sabay-sabay naoospital ang mga tao for many many reasons. My father was hospitalized lately. Naka-tatlong operations siya…”

Photo credits: Alessandra De Rossi | Instagram

Labis nga ay pagkabagabag ngayon ni Alex sa dami ng problemang kinakaharap. At ayon nga sa aktres, ay ito ang unang pagkakataon na nahirapan siya ng ganito at hindi na niya alam kung saan kukuha ng kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kanya.



“Kasi, ako si ‘Miss O, Anong Problema?’ OK, let’s fix this. OK, gagawa tayo ng paraan. What if ganito, what if ganyan? What if ganyan?” It’s the first time in my life that I don’t have the answers.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments