Baby Dahlia Amelie 6 Months na! Mommy Anne Curtis at Daddy Erwan, Masayang Ipinagdiwang ang Bagong Milestone ng kanilang Anak

Matatandaan na noong March 2 ng taong kasalukuyan nang isinilang ng aktres at host na si Anne Curtis ang napakacute na anak nila ng kanyang asawang si Erwan Huesaff. At tulad nga ng napakacute at maamong mukha ng kanilang anak, ay napakaganda rin ng binigay na pangalan ni Anne sa kanilang munting anghel, ito nga ay Dahlia Amelie.



Magmula ng dumating si Baby Dahlia sa buhay nilang mag-asawa, ay mas lalong naging makulay at masaya ang kanilang pagsasama. Sa bawat milestone nga ng kanilang anak na si Baby Dahlia, ay palagi silang magkaagapay at nagsisilbing gabay ni Baby Dahlia.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Tuwing sasapit naman ang birth month ni Baby Dahlia ay hindi nakakaligtaan ng mag-asawang Mommy Anne at Daddy Erwan na ipagdiwang ito at magkaroon ng photoshoot ang kanilang napakacute na baby na may floral theme.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Parang kailan nga lang ng huling magdiwang ng 5th month birthday si Baby Dahlia noong nakaraang buwan. Tila hindi na talaga mapipigilan pa ang paglaki ni Baby Dahlia sa bilis ng paglipas ng panahon. At kahapon nga, September 2, araw ng Miyerkules ay masayang nagdiwang ng 6th month birthday si Baby Dahlia kasama ang kanyang Mommy Anne at Daddy Erwan na masayang-masaya sa bagong milestone ng kanilang anak.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

At tulad ng nakagawiang photoshoot tuwing buwan, ay talagang hindi maitatanggi ang kacutan ni Baby Dahlia sa kuha ng mga larawan. Gamit ang mga magaganda at makukulay na bulaklak na binuo sa numerong 6, makikita na napakainosente at nakaka-good vibes ang hatid ng ngiti ni Baby Dahlia sa mga larawan.



Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Sa Instagram nga ni Anne, ay hindi niya napigilang maging emosyunal matapos ibahagi ang cute na larawan ng anak. At makikita nga sa bawat mensahe ng aktres, na talagang mahal na mahal niya si Baby Dahlia at excited na rin sa mga susunod pang kaarawan at milestone ng anak.

“I feel like it was just yesterday that I gave birth and held this sweet little girl in my arms for the first time… and just like that, half a year has gone by. Mixed emotions of excitement to seeing her grow and experiencing all her milestones BUT also wanting to keep her as my little baby,” emosyunal na pahayag ni Anne.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Dagdag pa ni Mommy Anne, “I guess, now I understand when mums and dads say “you’ll always be my little baby” – because that’s what she’ll always be to me. My little Dahlia Amélie.”
Samantala, nagpaabot rin ng pagbati si Daddy Erwan sa kanyang Instagram na kung saan ay nagbahagi ng larawan ni Baby Dahlia, na masisilayan ang cute na ngiti sa maamo nitong mukha. At para kay Daddy Erwan, ang mga ngiti ni Baby Dahlia, ang nagsisilbi niyang inspirasyon.

“A lifetime of smiles in half a year.”



Talaga namang muling ipinamalas ni Baby Dahlia ang kanyang kacutan. Tiyak na hindi lamang ang kanyang mga magulang ang excited sa kanyang paglaki, kundi maging ang kanyang mga tagahanga at mga netizens na ngayon pa lang ay nakaabang na sa milestone ni Baby Dahlia.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments