Isa nga sa prinoproblema ng bawat pamilyang Pilipino ay ang mga bayarin pagsapit ng katapusan ng buwan. Ngunit, ngayong panahon ng pandemya, ay halos apat na buwan tayong hindi nakapagbayad ng mga bills dahil na rin sa bagong sistemang ipatupad ng gobyerno na gawing installment na lamang ang pagbayad ng naipong bills. Ito nga ay dahil sa ipinatupad na Quarantine sa Metro Manila upang pagsunod sa safety protocols at bilang pag-iingat upang huwag mahawaan ng kumakalat na sakit na COVID-19.
At sa loob nga ng apat na buwang pananatili natin sa loob ng ating tahanan, ay palaging nakabukas ang mga appliances na ginagamit upang maging komportable tayo. Kaya naman, marami na sa atin ang inaasahan ang pagtaas ng kunsumo lalo na ng kuryente.
Ngunit, marami ang nagimbal matapos matanggap ang bill sa kuryente dahil ang inaasahang pagtaas ng kunsumo ay higit pa sa inaakala nila. Matapos nga ang apat na buwan, ay naningil na ang Meralco Power Company ng bill sa kuryente. At matapos makita kung gaano kalaki ang bayarin ay maraming Pilipino ang bigla nalang napaaray at tila naging palaisipan pa kung paano ang ginawang computation sa mga bills.
Maging ang komedyanteng si Pokwang ay napaaray rin matapos matanggap ang bill sa kuryente na tumataginting na P132, 312. Ngunit, imbes na maghimutok, ay idinaan na lang sa biro ng komedyante ang problemang kinakaharap sa bill ng kuryente.
Ayon nga kay Pokwang, ay wala umanong sumasagot sa tawag sa hotline ng Meralco Masinag upang maitanong ng komedyante kung bakit napakalaki ng nilobo ng kanyang bill ng kuryente at umabot ng P132,312 sa loob ng apat na buwan.
“May iba pa bang hotline ang Meralco Masinag?”,
pagsisimula ni Pokwang sa kanyang post.
Saad pa ng komedyante, ay tila nanghula na lamang ng computation ang Meralco dahil sa laki ng itinaas ng kanilang bill. Nagawa pang magbiro Pokwang at sinabi na halos isang pabrika na ang katumbas ng halaga ng kanyang bill sa kuryente.
“Wala sumasagot at di sinasagot mga tawag… ng hula lang ata sila ng computation… 4 na buwan P 132,312.00 ano kami pabrika?”
pabirong pahayag ni Pokwang.
Sa kasalukuyan, ay hindi lamang si Pokwang ang namomoblema at nakakaranas ng biglaang pagtaas ng kunsumo ng kuryente. Marami rin sa pamilyang Pilipino ngayon, ang problemado kung saan nila kukunin ang pambayad sa mga bills dahil nga sa kawalan ng trabaho dulot ng pandemya at krisis na hatid nito.
Source: Ptama
0 Comments