Dahil nga sa pagsasara ng ABS-CBN Network na naging sanhi ng kawalan ng trabaho ng maraming Kapamilya artists, ay naghanap ng ibang alternatibong maaaring pagkakitaan ang ilang artista upang mapagkunan ng pangangailangan. Sabayan pa nga ito, ng krisis na dulot naman ng pandemya, ay tiyak na magugutom talaga kapag walang hanap buhay at mapagkakakitaan.
Kaya naman, ang celebrity couple na sina Sunshine Garcia at Alex Castro, bagama’t nahaharap sa matinding krisis na nararanasan dahil sa pandemya, ay mas piniling pa ring magkaroon ng mapagkakakitaan. Kamakailan nga, August 30, araw ng Linggo ay nagkaroon ng soft opening ang kanilang Korean-Japanese mart na matatagpuan sa MacArthur Highway sa Marilao, Bulacan.
Naging matagumpay ang pagbubukas ng mini mart ng mag-asawa kung saan ay dinagsa ito ng maraming customers. Sina Alex at Sunshine mismo ang namamahala at nagpapatakbo ng kanilang mini mart. At sa unang araw nga ng kanilang pagbubukas, bagama’t parehong napagod ay hindi nila ito alintana, dahil mas nananaig ang sayang kanilang nararamdaman sa dami ng customers na bumili sa kanilang mini mart.
Sa Instagram nga ni Sunshine, ay masaya niyang ibinahagi ang karanasan sa unang araw ng opening. Ayon nga sa aktres, ay hindi nila inaakala na ganun karami ang papasok sa kanilang mini mart upang bumili kaya naman ay sulit ang pagod at deserved niya ang isang ice cream bilang reward.
“Yung akala namin dahil Soft Opening wala pa masyado pupunta ngayon lang ako nakaupo ng maayos. Di kami marereklamo kung ganun lagi ang tao okay lang na whole day nakatayo Deserve ko ang ice cream na ito ngayon! Sa mga nag nag inquire YES mag Accept kami ng WHOLESALE. Send niyo lang order nyo sa SSLEX Korean&Japanese Mart sa FB Page.”
Samantala, ang asawa naman ni Sunshine na si Alex ay nagpost rin sa kanyang Instagram. Ayon naman rito, sa dami nga ng hindi inaasahang customer na pupunta sa soft opening ay nagahol sila. Pahabol naman ni Alex, ay palagi raw bisitahin ang kanilang mini mart. Hindi naman ito nakalimot magpasalamat sa mga taong bumisita sa kanilang soft opening.
“Ang inyong tindero at tindera ng SSLEX Korean&Japanese Mart yung akala naming soft opening palang wala pa masyadong customer na pupunta pero nagahol kami sa dagsa ng customer hindi kami magrereklamo basta lagi nyo kami bibisitahin sa SSLEX Mart. Salamat sainyo visit na kayo.”
Tunay nga na kahit nasa gitna ng kinakaharap na krisis, ay umiiral at nangingibabaw parin ang pagiging madiskarte ng mga Pinoy. Tulad na lamang nga ng mag-asawang Sunshine at Alex na nagtayo ng mini mart upang may mapagkakitaan matapos mawalan ng trabaho na dulot ng pandemya. At sa kanilang sipag at tiyaga sa pamamalakad ng kanilang mini mart, ay tiyak na magiging matagumpay ito at malaki ang maitutulong sa kanilang pamumuhay.
Source: Ptama
0 Comments