Kilalanin: 8 Filipino Celebrities na Proud na Inanunsyo ang kanilang Pagbubuntis Ngayong Taong 2020

Ang taong 2020 nga ay tila punong-puno ng mga pagsubok, ngunit sa kabila ng mga nararanasang problema ay isang bagong pag-asa naman ang naghihintay na hatid ng mga sanggol na nabuo ngayong taon.




Mapalad nga ang mga celebrity moms to be na ito dahil biniyayaan sila ng baby ngayong taong 2020 at kanila nga itong proud na inanunsyo na kung saan ay excited sa paglabas ng kanilang mga munting anghel.

1. Dianne Medina

Photo credits: Dianne Medina | Instagram

Ang long time celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ay ikinasal noong nakaraang taon buwan ng Disyembre. At makalipas nga ang ilang buwan ay agad na nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Noong Abril 12 nga, kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday, ay masayang inanunsyo ng mag-asawa sa kanilang Instagram na inaasahan na nila ang pagdating ng kanilang first baby. Sa post nga ni Dianne ay sinabi nito na nasa apat na buwan ang kanyang dinadala.

2. Sheena Halili

Photo credits: Sheena Halili | Instagram

Noong June 13 naman, masayang inanunsyo ng aktres na si Sheena nagdadalantao na siya sa panganay na anak nila ng asawang si Jeron Manzareno. Sa Instagram, ibinahagi naman ni Sheena na siya ay 13 weeks pregnant na ng mga sandaling iyon. At noong July 17 nga, matapos magpa-ultrasound ay nalaan na ang kanilang magiging panganay ay baby girl.

3. Lara Quigaman

Photo credits: Lara Quigaman | Instagram

Ang beauty-queen actress na si Lara Quigaman naman ipinagbubuntis ang 3rd baby nila ng asawang si Marco Alcaraz. Sa 18 weeks ng pregnancy ni Lara noong April 30, nang inanunsyo nila ang magandang balita sa kanilang vlog sa Youtube channel na The Alcaraz kung saan kasama nila ang kanilang dalawang anak na si Noah at Tobias. Samantala, noong June naman ng inanunsyo nila na isa pang baby boy ang malapit ng dumating sa kanilang pamilya.




4. Coleen Garcia

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Ibinunyag naman ng aktres na si Coleen Garcia na, noong Disyembre pa ng nakaraang taon siya buntis, ngunit nitong 2020 lang niya ito nalaman. At noong May 1 nga, nang magpasya ang mag-asawang Coleen at Billy na ianunsyo sa publiko ang bagong biyayang dumating sa kanila. Sa social media ay nagpost ang mag-asawa ng larawan ni Coleen habang nakalitaw ang baby bump ng aktres.

5. Assunta De Rossi

Photo credits: Asunta De Rossi | Instagram

Matagal ng nagsasama ang mag-asawang Assunta at Jules Ledesma, ngunit hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Tila naman, swerte ang taong 2020 para sa mag-asawa dahil matapos ang 16 taong pagsasama, sa wakas ay biniyayaan na sila ng isang baby. May 5, nga nang inanunsyo ni Assunta sa kanyang Instagram account ang magandang balita na ito.

6. Ryza Cenon

Una namang nasilayan ang umuumbok ng baby bump ng aktres na si Ryza noong July 1, matapos magbahagi ang aktres ng larawan sa Instagram. Ang dinadala nga ni Ryza sa kanyang sinapupunan ay anak niya sa kanyang boyfriend na si Miguel Cruz, isang Director of Photography. Samantala, buwan naman ng April nang malaman ng aktres na siya’y buntis sa pamamagitan ng pregnancy test.

7. Karen Gallman

Photo credits: Karen Gallman | Instagram




Noong August 26, nang inanunsyo ng beauty queen at model na si Karen Gallman ang kanyang pagbubuntis sa anak nila ng asawang si Ian Garton. Proud ngang ibinahagi ng Miss Intercontinental 2018, ang isang video clip ng kanyang baby bump na ngayon na ay 20 weeks pregnant na.

8. Andi Eigenmann

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Proud naman na ibinahagi ng aktres at vlogger na si Andi Eigenmann ang kanyang pagbubuntis sa pangatlo niyang baby. Noong August 30, ay inanunsyo ni Andi ang panibagong biyaya na dumating sa pagsasama nila ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments