‘Big boy na’: Mommy Toni Gonzaga, Nagbahagi ng Video Seve Habang Sakay ng Kanyang Mini Scooter

Tila kaybilis nga ng paglipas ng panahon at hindi natin namamalayan ang paglaki ng ating mga anak. Maging ang mga anak ng mga iniidolo nating artista ay hindi na rin mapigilan ang paglaki. At ang bawat hakbang na tinatahak nila sa kanilang paglaki ay kaagapay nila ang kanilang mga magulang.




Photo credits: celestinegonzaga | Instagram

Tulad na lamang ng nag-iisang anak ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano na si Seve na talagang marami na ang kayang gawin sa murang edad nito. Sa bawat hakbang nga ni Seve ay nakaalalay ang mag-asawang sina Toni at Paul. At kamakailan lamang, nang mapasambit na lamang ang aktres at host na si Toni ng ‘big boy na’, matapos masaksihan ang kakayahan ng anak sa pagpapaandar ng mini scooter.

Photo credits: celestinegonzaga | Instagram

Sa Instagram nga ng aktres, ay proud niyang ibinahagi ang video clip ng anak na si Seve habang sakay ng mini scooter. Makikita sa video na enjoy na enjoy si Seve sa kanyang mini scooter habang sinasakyan ito paikot sa loob ng kanilang village. Samantala, tiniyak naman ni Toni na ligtas ang kanyang anak sa anumang kapahamakan. Maliban nga sa suot na facemask, ay kompleto rin ang protective gear ng bata mula ulo hanggang paa.

Photo credits: celestinegonzaga | Instagram




Si Seve ay tatlong taong gulang pa lamang, at sa darating na September 30, ay nalalapit na siyang magdiwang ng kanyang 4th birthday. Sa edad nga ngayon ni Seve, makikita na agad ang mga bagay na kaya niyang gawin sa tulong lamang ng kanyang sarili, tulad na lamang ng pagpaandar at maingat na pagsakay sa kanyang mini scooter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Samantala, maraming netizens at ilang celebrities sa showbiz ang humanga sa galing ni Seve magmaniobra ng kanyang scooter. At karamihan nga sa kanila ay sinabi na malaki na nga si Seve at kaya na niyang sumakay sa kanyang mini scooter.




“Wow galing galing naman yan Seve! Binata na ah,” pahayag ni Karla Estrada.

“So cute!” komento ni Marjorie Barretto.

Matatandaan na ikinasal si ang aktres na si Toni Gonzaga sa kanyang long time boyfriend at director na si Paul Soriano noong June 12, 2015 sa Taytay United Methodist Church sa Taytay, Rizal. At matapos nga ang isang taon, ang kanilang pagsasama ay biniyayaan agad ng isang sanggol. Isinilang nga ni Toni ang panganay nilang anak ni Paul noong September 30, 2016 sa Luke’s Global City, Taguig. At ito nga ay isang napakacute na baby boy na pinangalanan nilang Severiano Elliott Gonzaga Soriano, na may palayaw na Seve.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments