Kilalanin ang 10 Artista na ito na Nagsimula Bilang Commercial Model Bago pa man Maging Sikat na Artista sa Showbiz

Ang mga iniidolo nating artista sa showbiz ay may kanya-kanyang paraan kung paano silang nadiskubre at nakapasok sa showbiz. May ilang artista nga na nagsimula sa audition upang ipakita ang talento. May iba naman na sinubukang sumali sa mga reality show upang maging artista. May iba rin na nakilala sa social media hanggang sa tuluyan nang maging instant celebrity. At mayroon din namang nagsimula sa pagiging commercial model na nadiskubre upang makapasok sa showbiz.




Kilalanin ang mga artista na nagsimula bilang commercial model bago sumikat sa showbiz.

Marian Rivera

Kilala nga ang napakagandang aktres na si Marian sa bansag na Kapuso Primetime Queen. Ngunit, bago pa man matamo ni Marian ang kasikatan, ay una natin siyang nasilayan bilang modelo sa commercial ng Skyflakes noong 2005.

Nikki Gil

Alam naman nating lahat na taglay na ng mahusay na singer na si Nikki Gil ang kahanga-hangang talento sa pag-awit at napakagandang tinig. At bago pa man siya maging isang sikat na DJ sa MYX at host sa ASAP ay nadiskubre muna ang kanyang talento sa commercial ng Coca-Cola kung saan inawit niya ang orihinal na kanta ng kompanya na “Sana” noong 2005.

Tony Gonzaga

Noong 2001, sa linyang “I love you Piolo” naman nadiskubre ang TV host at aktres na si Tony Gonzaga. Ito nga ay matapos niyang maging modelo sa commercial ng Sprite kung saan nakasama ang aktor na si Piolo Pascual.

Ryan Agoncillo

Si Dabarkads Ryan naman na host ng Eat Bulaga at asawa ng aktres na si Judy Ann Santos, ay nakilala naman sa commercial ng Sprite sa linyang “Magpakatotoo ka”. Nakasama naman dito ni Ryan si Patricia Javier.

Coleen Garcia

Ang napakagandang si Coleen naman na ngayon ay asawa na ni Billy Crawford ay maraming commercial na ginawa bago maging isang artista. Isa na nga rito ang commercial ng Skin White noong 2009 kung saan nabighani sa kanyang maputi at makinis na kutis ang aktor na si John Lloyd Cruz.




Soleen Heusaff

Taong 2003 naman ipinamalas ni Soleen ang kanyang karisma sa commercial ng Pop Cola at nakilala sa linyang “Konting lugay, konting bawas, konting dagdag”. Kung saan ay isa siyang nerd na babae na naging isang napakaganda at hot na babae.

Georgina Wilson

Bago naman maging modelo ng Maybeline at Bench si Georgina, ay una siyang nasilayan sa telebisyon bilang modelo ng Ponds commercial noong 2004.

Rico Yan

Ang nakakakilig na dimple at ngiti ng yumaong aktor na si Rico Yan ay una nating nasilayan sa commercial ng Eggnog noong 1997. Sa commercial ngang ito nagsimula ang matagumpay niyang karera sa showbiz noon.




Isabel Oli

Tila naman napasabak agad sa drama ang aktres na si Isabel Oli. Ito nga ay matapos gumanap ng karakter sa commercial ng Max’s Restaurant noong 2005 kung saan nakasama niya ang aktor na si Piolo Pascual.

Sam Milby

Ang aktor at singer na si Sam Milby naman ay unang nasulyapan ang matamis na ngiti sa commercial ng Close Up kung saan umawit siya kasama ang aktres na si Barbie Imperial.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments