Broadcast Journalist na si Rhea Santos at Iba pang Pinoy Reporter Ipinagpatuloy ang Propesyon sa Canada, Gumagawa ng Sariling Pangalan Ngayon!

Tunay nga na kahit saan man makarating ang mga Pilipino ay mangingibabaw pa rin ang kanilang talento sa anumang larangan. Talaga namang kahanga-hanga at karapat-dapat ipagmalaki ang mga Pilipino na gumagawa ng sariling pangalan sa ibang bansa, at dala-dala parin ang kanilang pagiging isang Pinoy.

Marami nga ang humanga sa broadcast journalist na si Rhea Santos kamakailan matapos ibahagi ang nakamit niyang tagumpay sa Canada bilang isang news anchor sa isang local news company.
Matatandaan na isang taon na ang nakakalipas, matapos magpasya ang dating Unang Hirit host at newscaster na si Rhea Santos na iwan ang bansang Pilipinas upang magtungo sa Canada kasama ang pamilya at doon manirahan.




At kamakailan nga, ay proud niyang ibinahagi sa kanyang mga kababayan na ang kanyang mahal na propesyon bilang isang mahusay na mamamahayag ay maipagpapatuloy na niya kahit nasa ibang bansa. Ito nga ay matapos niyang maging isang host ng isang local news channel sa Vancouver, Canada.

Ang tagumpay na ito ng dating reporter ng GMA Network ay ibinalita niya sa Facebook na talaga namang mababakas sa kanyang caption ang labis na kaligayahan at excitement.

“Marking this day that I’m able to do my passion to tell stories that matter to my ‘kababayan’ here in Canada. You will all meet the Filipino team of OMNI News in the coming days. It’s not only Filipinos and Fil-Canadian journalists making this possible. A big part are the Canadians and people of diverse backgrounds whom I’m given the opportunity to work with that make OMNI News Filipino Edition happen.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhea Santos (@msrheasantos) on

Samantala, hindi lamang si Rhea ang reporter na gumagawa ng sariling pangalan ngayon sa Canada, kundi maging ang ilang Pinoy reporter rin na nagmula sa Pilipinas na tulad ni Rhea ay nakipagsapalaran sa Canada para sa mas magandang oportunidad. Kabilang na nga sa makakasama ni Rhea sa bagong launch na Filipino OMNI channel ang dating ABS-CBN journalist na si Ron Gagalac.




Maging ang ilang broadcast journalist tulad nina Marieton Pacheco Andy Aquino, Paula Saraza, Theresa Redula, at mga video journalist na sina Arvin Joaquin at Theresa Barrera ay kasama rin sa Filipino OMNI channel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhea Santos (@msrheasantos) on

Ang bagong launch na Filipino OMNI channel o OMNI News Filipino Edition ay naglalayon na makapaghatid ng balita sa mga Pinoy abroad. Ito nga ay ginawa upang magbigay kaalaman sa mga Pinoy sa nangyayari sa kanilang kumonidad sa Canada. At nabuo nga ito, sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga Filipino journalist na gumawa ng sariling channel para sa kanilang mga kababayan sa Canada.

“Proud to be part of @rogerssportsandmedia that has shown a strong commitment to diversity and inclusion. Ito ang tahanan ng mga kwento ng mga Pilipino at Filipino-Canadians at mga balitang mahalaga sa ating komunidad❤️ Mamaya na, 11pm ET, PT. #pinoy #canada #northamerica #diversity #inclusion #filipino”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments