Kilalanin: Mga Cute na Bata Noon sa Goin’ Bulilit, Napakaganda at Dalagang-dalaga na Ngayon

Tiyak na maraming manonood ang nabigyan ng saya at kaligayahan ng children gag show na Goin’ Bulilit na nagsimulang umere sa ABS-CBN noong 2005. Hindi lamang mga bata, ang nabibigyan ng kaligayahan ng mga jokes at nakakaaliw na pag-arte ng mga bibo at cute na bata sa programa, kundi maging ang mga matatanda rin ay kanilang napapangiti.

Ilang taon na nga ang nakakalipas matapos umere ang Goin’ Bulilit na sama-samang napapanood ng bawat pamilya sa kanilang mga tahanan tuwing Linggo. Nakailang batch na rin ang mga batang ipinamalas ang kanilang husay sa pagbibitaw ng mga jokes, at nakakaaliw na pagganap sa mga senaryo sa naturang programa.




At sa paglipas nga ng mahabang panahon, ang mga cute at bibong bata na napanood natin noon na nagbigay aliw sa mga manonood ay malalaki at ganap nang dalaga at binata ngayon. Tila kaybilis naman talaga ng paglipas ng panahon dahil hindi natin namalayan ang kanilang paglaki. Nakakagulat nga na makita na malaki na ang nabago sa kanilang mga panlabas na kaanyuan, na kung dati ay mga cute na bata, ngayon nga ang ilan sa kanila ay naggagandahang dilag na.

Kilalanin natin ang mga cute at bibong bata noon sa Goin’ Bulilit, na ngayon ay napakaganda at dalagang-dalaga na.

Kiray Celis

Tiyak na kilalang-kilala niyo ang cute at masayahing bata na si Kiray. Isang produkto nga ng Goin’ Bulilit si Kiray na talagang ipinamalas ang kanyang talento hindi lamang sa comedy kundi maging sa drama. Magmula nga noon, hanggang sa kasalukuyan ay marami ang pinapahanga ni Kiray sa kanyang talento. Ngayon nga, ay hindi lamang karera ng aktres ang umaarangkada, kundi pati narin ang makulay nitong love life sa piling ng boyfriend nitong si Stephan Estopia.

Eliza Pineda

Ang kapatid namang ito ng dating aktres na si Charee Pineda ay ipinamalas rin ang talento sa Goin’ Bulilit. Marami ngang proyekto ang ginawa ni Eliza sa showbiz tulad na lamang ng “Mga Anghel na Walang Langit, Maria Flordeluna, at Kung Fu Kids.” Kung ang batang Eliza na napanood natin noon ay may napakacute na mukha, ngayon nga ay mas lalo namang lumutang ang kagandahan nito sa flawless nitong looks na masisilayan sa kanyang social media.

Kristel Fulgar




Kung talento rin lang ang pag-uusapan, kabilang nga riyan ang napakagandang aktres na si Kristel Fulgar. Maliban nga sa pagiging aktres, ay isa na ring vlogger si Kristel. Hindi rin maikakaila ang taglay na talento ng aktres sa musika pagdating sa pag-awit. Sa katunayan nga nito, ay may nakalaan pa siyang Youtube channel para sa mga kantang kanyang kino-cover.

Jane Oineza

Ang 24 taong gulang namang aktres na si Jane, ngayon nga ay isa ng napakagandang aktres sa showbiz na kung saan ay may matagumpay na ring karera bilang isang award winning actress. Maliban rito, ay kilala rin si Jane bilang isang modelo at singer.

Mika Dela Cruz

Bata pa lamang si Mika ay masisilayan na sa kanya ang magandang mukha, kaya naman, ngayong dalaga na ang aktres ay mas lalong lumutang ang kanyang angking kagandahan. Kahanga-hanga rin ang talento ng aktres na patuloy na ipinapamalas sa kanyang mga proyekto.

Miles Ocampo




Isa rin sa hinahangaang aktres ng henerasyon ngayon si Miles. Bukod nga sa kanyang natatanging talento sa pag-arte, ay napakagandang dalaga at sexy na rin ngayon ni Miles. Kung noon nga ay napakacute at chubby ang katawan ng aktres, ngayon nga ay hinahangaan siya ng publiko sa malaking pagbabago ng kanyang katawan.

Sharlene San Pedro

Kahanga-hanga rin ang taglay na talento ni Sharlene, na kung saan mula noon hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya. Maliban nga sa pagiging aktres, ay isa ring singer si Sharlene kung saan ay nakapag-release na ng dalawang single album noong 2016 at 2017 sa ilalim ng Ivory Music.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments