Silipin ang House Tour sa Napakaganda at Bagong Bahay ng Aktres at Singer na si Roxanne Barcelo

Ang aktres at singer na si Roxanne Barcelo ay nagbigay kasiyahan sa mga manonood matapos maging housemate sa Bahay ni Kuya sa talent reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother noong 2006 sa Celebrity Edition nito. Ngunit, mas lalo pa niyang pinasaya ang kanyang mga tagahanga hindi lamang sa pagiging kwela niya, kundi dahil sa taglay niyang kahanga-hangang talento sa pag-awit sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng programang “It’s Showtime”.




Marami nga ang humahanga sa kwelang pagkatao ni Roxanne, at dahil nga napakamasayahin niya ay agad niyang nakukuha ang loob ng mga manonood. Pinasok na rin ng aktres ang mundo ng vlogging kung saan ay gumawa siya ng sarili niyang Youtube Channel upang doon i-upload ang kanyang mga nakakaaliw na videos.

At kamakailan nga, ay tampok sa vlog ni Roxanne na mapapanood sa kanyang Youtube Channel ang pa-house tour niya sa kanyang bagong bahay. At gaya nga nakasanayan natin sa personalidad ng aktres, ay talagang kahit pagdating sa kanyang house tour vlog ay makikita ang pagiging kwela at pagiging masayahin niya.

Photo credits: roxannebarcelo | Instagram      

Sa vlog na ibinahagi ni Roxanne makikita ang ganda ng kanyang bagong bahay, na ngayon nga ay mas malawak at maaliwalas kumpara sa dati niyang tinitirhan. Labis naman ang pasasalamat ni Roxanne sa biyayang ito na ipinagkaloob ng Diyos sa buhay niya. Maging ang kanyang mga followers ay pinasalamatan rin niya dahil ang mga ito umano ang dahilan kung bakit malaki ang kinikita niya.

Photo credits: roxannebarcelo | Instagram

Sinimulan na ngang ilibot ni Roxanne ang kanyang mga tagahanga sa loob ng kanyang bahay. Magmula sa lobby, kitchen, closet, bedroom at comfort ro ay masayang ipinakita ng aktres.

Photo credits: roxannebarcelo | Instagram




Photo credits: roxannebarcelo | Instagram

Samantala, sa bawat bahagi naman ng bahay ay ipinaliwanag niya ang bawat kagamitan na makikita rito. Maging ang mga hilig at mga paborito niyang gamitin ay ibinahagi rin niya.

Photo credits: roxannebarcelo | Instagram

Photo credits: roxannebarcelo | Instagram

Pag-amin naman ng aktres, kung ano ang makikitang mga kagamitan sa loob ng bago niyang tahanan ay ito pa rin naman ang mga dati niyang gamit mula sa dati niyang tirahan.




Photo credits: roxannebarcelo | Instagram

Ang bagong condo na ito ni Roxanne ay bunga ng kanyang pagsusumikap sa kanyang trabaho sa showbiz na talaga namang ipinamalas ang kanyang talento. Bawat pera nga ay iningatan ng aktres at inilaan sa tama nang sagayon ay makapagpundar siya ng mga bagay na nais niya. Dahil nga sa kanyang sipag at tiyaga ay unti-unti na niyang natutupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments